Sep 29, 2011

Ang sakit ng salitang, “MALAYA KA NA.”

September 29,2011


Ano kayang gagawin mo pag nasa moment ka na gusto ka na niyang pakawalan?
Dahil daw ‘di na niya kaya. Give up na siya.
Papayag ka ba?
Payag ka bang makita mo siyang nahihirapan na kahit na mahal ka niya?
Ano kaya ba?
Ang hirap naman kasing makitang nasasaktan ‘yung mahal mo dahil kagagawan mo rin.
Lagi kang nagkakamali at lagi kang walang oras sa kanya.
Sabihin na nating busy ka, pero dapat may time ka pa rin.
You have to prove that you exert effort to show that you love him/her.
Ngayon, pag gusto na niyang sumuko, anong gagawin mo?
Ang hirap mag desisyon agad agad ‘no? Baka pagsisihan mo.
Kung ako sa’yo, ‘wag ka muna mag-sasalita.
Baka magsisi ka sa huli. Mahirap na.
Ikaw din ang talo.
Kaya pag napunta ka sa moment na ‘yan ang sabihin mo na lang,
“God’s will ba ito?”
Dahil si God, hindi pumapayag na nasasaktan ang mga anak Niya.
Kaya ‘wag padalos-dalos. Mahirap na.
Ikaw rin ‘yung mawawalan.

Sep 22, 2011

Minsan, kailangan mo lang talagang iwasan ang pagiging over-PRIDE para maging maayos lahat.

September 23,2011
4AM

Dun mo kasi malalaman na kahit gaano ka kalakas, pagdating sa mahal mo, 'yung puso mong bato, maglalaho. 



Hindi 'yung alam mong nahihirapan ka sa ginagawa mo pag nasasabihan mo siya ng masasakit na salita, 
eh nagpapakatanga ka lang na kumbaga parang wala lang sa'yo 'yung  dinadamdam niya.


Sino ba naman ang may gustong magalit sa kanya ang mahal niya, 'di ba, wala naman?


Kaya kung ako sa'yo, magsimula na lang kayo ulit.
Kung hindi talaga maiwasan, mag-usap kayo ng masinsinan.

Sep 19, 2011

Bakit?

September 19,2011
1:30PM (PHYSICS TIME)

Aking sinta, ako nama'y walang ginagawang masama.
Ako'y nakikipag-usap lamang sa kanila.
Bakit nga ba ika'y galit lagi?
Siguro nga ako'y laging mali.
Ikaw nama'y laging kawawa.
Dahil sa aking mga nagawa.
Wala ka na bang tiwala?
Kawawa naman ako.
Kawawa naman tayo.
Hanggang dito na lang ba talaga ang pagmamahalang ito?
Dahil sa aking nagawa,
Tayo'y biglang masisira.

:C

Ang paglisan.

September 19,2011

Bakit may mga bagay na dapat mawala sa’yo? Palitan natin ‘yung tanong… Bakit may mga taong dapat mawala sa’yo?

Not really “mawala” but figuratively speaking, once they left you alone, super masasaktan ka?

‘Yung tipong hindi mo kayang i-accept ‘yung katotohanang sinasabi sa’yo ng mga kaibigan mo na “Uy! Iniwan ka na niya. Ano ka ba?!”

Kahit paulit-ulit ka nilang paalalahanan, wala kang pakielam dahil siya pa rin ‘yung hinahanap mo.

Hindi ba nila alam na napakasakit na maramdamang iwan ka ng taong mahal mo?
Iiwan ka niya dahil nasasaktan siya sa mga ginagawa mo lalo na kung lagi mo siyang sinusumbatan na siya lagi ‘yung dahilan kung bakit kayo nag-aaway. Minsan naman, nasasakal na siya sa mga ginagawa mo.Or worst, may iba na siyang mahal.

Ano nga ba ang problema sa sitwasyong ganito?
Hindi ba, PRIDE lang naman?

Kung hindi naman kayo magpapataasan ng pride at may isang nagpapatawad agad o humihingi nang patawad, hindi lalaki ang mga problema niyo.

Sayang naman ‘yung pinagsamahan niyo kung masisira lang dahil sa napakaliit na bagay at dahil mataas ‘yung pride niyo.

Pero, ika nga nila, hindi mo mapipigilan ang taong umalis sa buhay mo.

May dahilan kung bakit hinahayaan ng Panginoon ‘yun.
Masakit man para sa’yo, ‘yung dahilan na ‘yun ay mas ikabubuti ninyo.

Hindi ko sinasabing lahat ng tao ay ganito.
Ang nais ko lang iparating ay walang mangyayaring maganda sa buhay mo kung ang PRIDE ang paiiralin mo. 

Sep 16, 2011

Tiwala: Gaano ba ito kahalaga?

Pag nangako ka ng isang bagay, dapat mo itong tuparin. 
Pero minsan, 
sa hindi inaasahang dahilan,
 hindi natin ito natutupad at may mga taong nagagalit.

Kahit mag-sorry ka, wala ka nang magagawa. Wala na. Nangyari na e.

Minsan nagtatampo ang mga taong pinapangakuan ng hindi natin natutupad.
Hindi ganun kadali magpatawad.
 At lalong hindi madali mag-tiwala ulit sa tao.
Sana nga hindi na lang nauso ‘yun.

 Napakabigat kasi sa kalooban lalo na pag may kaaway ka dahil may hindi ka natupad. 
‘Yung pakiramdam na madaming galit sa’yo dahil hindi mo sila sinunod.

Masama bang magkamali ang tao? Gaano ba kahirap ang magpatawad?

Bakit si God nagpapatawad, tapos tayong anak niya lang , hindi nagpapatawad.
Sana ang mga tao kagaya na lang Niya.

Pag nagsabi ka ng sorry, papatawarin ka agad. 
Pero siyempre, kailangan mong patunayan na hindi mo na uulitin at magbabago ka na.

EPIC FAIL.

September 16

Alam mo ‘yung pakiramdam nang ginawa mo na lahat pero sadyang hindi talaga ata nakatadhana sa’yo ‘yung bagay na ‘yun?

Ang sakit isipin na wasted lahat nang effort mo tapos kung aalalahanin mo lahat ng effort na nagawa mo, magsisisi ka. Ituturing mong isang FAILURE ‘yung ginawa mo.

Hindi ba masakit sa loob natin pag nakumpara tayo sa iba? ‘Yung tipong pati buong kaluluwa mo, masasaktan? ‘Yung mapapaiyak ka na lang at masasabing “SANA AKO NA LANG….”

Ang sakit sakit kasi. Lalo na pag umasa ka, tapos pag andyan na biglang WALA PALA.</3

Hindi sa lahat ng oras nasa taas ka. Kailangan mong matutong lumaban kahit na nasaktan ka.

Kung naranasan mo ito, hindi sapat ang salitang OKAY LANG YAN.

Bakit nga ba pinapayagan ni Lord na mangyari sa atin 'yun?
Ang masaktan at mapunta sa ibaba samantalang 'yung ibang tao, nagpapakasaya?


Alam mo 'yung dahilan?
Simple lang. 
Para turuan tayo na minsan hindi natin alam, pag nasa taas tayo, may natatapakan tayong ibang tao. 
Nakakasakit na tayo nang hindi natin alam. 
Nakaka-offend tayo ng iba at nasasaktan natin ang damdamin nila.

Kaya Niya hinahayaang mangyari 'to dahil gusto niyang matuto tayong magpakumbaba at matutong gumawa ng tama.


Kaya kung ako sa'yo, magpasalamat ka na lang dahil gusto niyang mag-bago ka.
Even if it hurts, its for the best. <3

Sep 15, 2011

Buhay pag-ibig.

September 15,2011

Hindi naman lahat ng tao pwedeng laging masaya.
Pero alam mo, ako? Kahit ngiti mo lang, napaka-ganda na rin ng araw ko.
Kahit sabihin ng ibang tao na corny ako, eh bakit ba?

Masama ba  na ngumiti ka dahil sa isang taong nagpapatibok ng puso mo?
‘Di ba hindi naman?

Lahat naman ng tao, naiinlove eh. Kaso ‘yung iba, napapariwara lang.

 Hindi kasi nila naiintindihan kung anong pakiramdam nang nagmamahal ka ng totoo. Feeling nung iba, laro laro lang.
Kung gusto niyo lang maglaro, eh ‘di maghanap kayo ng BARBIE.  Hindi puso ng babae ang pinaglalaruan.

Ang sakit kasi sa mata na may makita kang pag may umiiyak dahil lang sa pag-ibig na ‘yan.
Ang mga broken nagiging depressed, losyang at namumugto ‘yung mata kakaiyak, eh wala namang mangyayari sa pag-iyak. ‘Yung iba naman , hindi na kumakain, nagkukulong sa kwarto tapos hindi na nagsasalita. 
Ang weird ng nagiging kalabasan ‘no?

Sana naging laro na lang ang pagmamahal kung ganito lang gagawin nila.

‘Yung tipong pag nag-game over eh pwedeng mag start a new game. Hindi rin naman kasi kami gaya ng DOTA, na pag natalo kayo pwede pang bumawi. NEVER niyo kami dapat i-compare ang babae sa DOTA dahil ‘yun ay isang LARONG KINAAADIKAN samantalang kami, hindi dapat saktan.

Ang sakit kasi talaga isipin pag mas inuuna pang isipin kung paano paglalaruan ‘yung puso namin.
Martir man kami, marunong din kami masaktan.

Pero alam mo para sa akin, wala lahat ng ‘yan.
Dahil kung talagang nagmamahal ka nang totoo, handa kang ibigay ng buong buo ang sarili mo sa taong mahal na mahal mo.

Hindi dahilan ang sandamakmak na kasalanan para mag-give up ka sa isang bagay.
The more you hold on to one thing, the more you become stronger and faithful.

Kahit ‘yung tipong nasasaktan ka, hinding hindi ka bibitaw kasi nga alam mong mahal na mahal niyo ang isa’t isa, sadyang may hindi lang pagkakaintindihan sa pagitan ninyong dalawa…

Hangga’t alam niyong nagmamahal kayo beyond different hurdles, 
basta center ng relationship niyo si God, hinding hindi niya kayo pababayaan. 
Kahit kelan. :)

Sep 10, 2011

Iba talaga.

September 10

Iba pa rin talaga pakiramdam pag kasama mo ang mga taong mahalaga sa buhay mo.
'Yung mga taong handang tulungan ka sa kahit anong mangyari sa'yo.
Kahit na nasasaktan ka na, sasabihin nilang TAMA NA kasi nga ayaw nilang nasasaktan ka.
Prangka man sila, iintindihin mo na lang dapat kasi nakikita nila ang mga bagay na hindi mo tinitignan lalo na kung
nagpapaka-martir ka.


Sana laging ganito. Sana huminto ang oras na kasama ko kayo.
Ang sarap kasi ng pakiramdam pag malapit sa'yo 'yung taong mahal mo.

Sana nga, sa buhay natin, walang taong nang-iiwan. 'Yung tipong lahat ng mahal mo sa buhay, nasa paligid mo lang.

Sana nga hindi na lang naimbento at nauso ang salitang, PAALAM .

Sep 9, 2011

My Alma Mater

My Alma Mater

February 11, 2008 


I am here.
Reminiscing  those special moments at school,
You, thinking the same way when we’re still cool.
Missing the way we bond with each other,
The joy we’ve shared and the jokes we made.
The laughing trips we had makes me cry now.
I just thought of the time.
The time when none of us still,
 Haven’t thought of leaving our school life.
The moments we argued and fought,
Makes me laugh harder.
I still can’t believe,
That you we’re the reason why I got suspended.
The days when we don’t have classes,
We go to malls just to have bonding with our peers.
The feeling of having friends on your side,
That’s probably one of the most expensive gift I’ll ever receive.
Having you on my life made me happy.
Thanks to our Alma Mater,
Because that’s the place where I met you.
-A.G.E

Without it, I’m incomplete.

Without it, I’m incomplete.

January 12 2009,


I always hoped for someone to appreciate my love.
I even hoped for something to achieve in life.
I wished to have everything I wanted.
Even though I know that I can’t.
Life was nothing but lies.
Life is nothing but sacrifice.
Life is cruel.
Life is hard.
Life will never be complete without being sad.
Life shall never be incomplete when you find true love.
These things in life make me better.
They make me best out of my worst.
Everything means to me.
Without love, there’s no life.
Love and live.
Pray and be strong.
God is always with you.
Wherever you go.
-A.G.E

Pakiramdam mo ba masama kang tao?

September 9,2011

Pakiramdam mo ba masama kang tao? 

‘Yung tipong lahat ng ginagawa mo mali sa paningin ng iba kahit tama naman talaga?
‘Yung lahat ng sabihin mo parang puro kasinungalingan. ‘Yung salita ka nang salita tapos wala namang maniniwala.
Hindi ba pwedeng tumahimik na lang forever?
Para wala nang gulo? 
Ang sakit kasi sa tenga pag nag-sasagutan ang mga tao. Ang sakit naman sa mata kung sa facebook/text magsasagutan. 
Ang sarap batukan, eh. 
Pwede namang pagpasensyahan na lang.
Ang problema kasi sa tao, pati maliit na bagay, pinapalaki.
Kaya pag lumaki ‘yung problema, daig pa ‘yung mga Pinoy na sumabak sa World War 2. 

Grabe mag-bato ng mga salita sa isa't isa, tapos pareho silang masasaktan. Hindi nila alam, ginagawa lang nilang parang baliw 'yung mga sarili nila. 
Alam naman nilang mahal nila 'yung isa't isa, tapos mag-aaway pa. 
Ano pang use nun, hindi ba?

AGREE KA BA?
--A.G.E

Bakit ba pag nawawala ang tao sa mood, madaming nadadamay?

September 09,2011

Bakit ba pag nawawala ang tao sa mood, madaming nadadamay?
Hindi ba nila alam na madaming taong nasasaktan pag ganun sila? Hindi man lang ba nila marealize kung ano pakiramdam ng matarayan/masungitan/masigawan ng taong mahal mo?
Hindi ba pwedeng ‘wag na lang mangdamay ng tao?
Hindi ba pwedeng maging tahimik na lang sa isang tabi at ‘wag nang magsalita para wala ng away?
Ang labo kasi e. Ang babaw pa. Kung dahil lang jan, mag-aaway kayo.
NONSENSE.
It hurts kasi e. Lalo na pag ikaw ‘yung babae tapos kung anu-ano sasabihin sa’yo ng lalaki dahil lang mainit ulo niya dahil sa kung anu-anong dahilan. Dahil namatay ‘yung alaga niyang hamster, nawalan siya ng pagkain, nawalan siya ng load, nawala ‘yung pera niya, may nakaaway siyang aso at iba pa.
Hindi ba masasaktan ka?
Ikaw, anong mararamdaman mo, kung ikaw ang nasa sitwasyon na ‘to?
--A.G.E

Sep 8, 2011

Bakit nga ba may mga taong nagagalit pag hindi naka-reply agad?

September 08,2011

Bakit nga ba may mga taong nagagalit pag hindi naka-reply agad?

Yung kahit mag-explain ka sa kanya, hindi siya maniniwala? ‘Yung tipong kahit anong sabihin mo, kokontrahin niya? ‘Yung susumbatan ka na lang kasi hindi ka nagtetext agad, kasi may ginagawa ka? Sasabihin niya hindi siya importante para sa’yo. Mag-eemote siya bigla ng wala sa lugar?

Na lahat na nang masasakit na salita, nasabi niya dahil lang sa init ng ulo? 
‘Yung tipong pag naiyak ka dahil hindi mo na maisip ang irereply mo, eh sige ka pa rin sa pag pindot? 
Tapos pag may nasabi kang mali para sa kanya, akala mo kung sino siya manumbat?

Kung mangyari sa’yo ‘to,hindi ba maiinis ka? Tapos sa bandang huli, ikaw pa ‘yung magmumukang mali. Ano bang mararamdaman mo nun, matutuwa ka ba?

Sabihin mo nga,masaya ka ba pag merong hindi nagkakaintindihan?
--A.G.E

Sep 6, 2011

"Hindi lang naman puro kawalan 'yung nasa mundo. Marami pang magandang bagay na para sa'yo, hindi mo lang pinapahalagahan."

"Hindi lang naman puro kawalan 'yung nasa mundo. Marami pang magandang bagay na para sa'yo, hindi mo lang pinapahalagahan."



You'll just never know how important a person is unlesshe/she is gone.
'Yan kasi 'yung reality. 
Minsan, kuntento tayo na nanjan 'yung isang tao kasi alam natin na hindi tayo iiwan. 
Pero once na nawala na 'yun,

dun mo lang malalaman kung gano kahalaga sa'yo tsaka dun mo lang pagsisisihan 'yung kamalian mo na hindi mo ginawa lahat ng kaya mo nung nanjan pa siya...


You just really have to think that time flies.
So grab & seize every moment na magkasama kayo.
If not, you'll surely regret it for all your life..