Apr 28, 2012

Crush ko siya :>

April 28, 2012
3:55pm

"Uy, andyan na siya!"
"Saan!?" 
"Ayun oh!" 
"Ang cute niya talaga!!"
"Hoy! Akin siya!"
"Eh, ang cute niya talaga!!"


Sounds familiar, right? Ang isang average high school girl, ay kadalasan naka-encounter na nito.
Totoo ngang masarap ang pakiramdam pag nakita mo ang crush mo sa campus.
'Yung feeling na parang buo na ang araw mo at hindi ka na magiging bad vibes for the rest of the day.
Yeah. It feels good and great lalo na pag nakausap mo pa ang crush mo.
Kulang na lang siguro, himatayin ang mga babae pag ganyan.

Well, isa sa mga pinakamagandang naidudulot ng crush sa buhay natin:
INSPIRATION


Pag nandyan si crush, inspired ka mag-aral,
Pag nandyan si crush, active ka sa klase.
Pag nandyan si crush, pakitang tao ka.
Pag nandyan si crush, ingat na ingat ka sa galaw mo.
Pag nandyan si crush, natututo kang pakalmahin ang sarili.
Pag nandyan si crush, kahit kilig na kilig ka na, idedeny mo pa.
At marami pang iba.

Mahirap man i-explain, malalaman mo na lang na kinikilig na kung kahit pigilan mo ngumiti, sadyang mapapangiti ka. :)

Apr 24, 2012

Bakit ako swerte sa'yo?


April 24, 2012
5:09pm


Bakit ako naging swerte sayo?

simple lang. kasi mahal mo ko. :D
mahal mo ko kaya protective ka, inaalagaan mo ko, you make me HAPPY:) (as always), you always make me feel safe whenever i'm with you, you have done great things for me, nag eeffort ka lagi, sinusuportahan mo ko lagi, you're DIFFERENT from other guys na hindi marunong magmahal.
you are serious when it comes to our relationship..

minsan, pag nagaaway tayo, kahit na kung ano ano na ung nassabi naten, you still say sorry pra lang mtapos na ung away and then back to normal. pag may nagagawa akong ksalanan, pnapatawad mo ko and kahit may halong sermon, never ka pa rin bumitaw.
pag ikaw naman ung may nagagawa, kahit na nagddrama ka sa umpisa , sa bandang huli, magsosorry ka na tapos nakikita ko namang nagbabago ka.. at hindi ka pa rin bumitaw.
you held me so tight in your arms na pag niyayakap mo ko, hindi na ko makahinga kasi lagi mo sinasabi, nilalambing mo lang ako..

pag may problema ako, lagi kang anjan.as in 24/7. kung pwede lang talaga magpakasal na tayo, ginawa na natin.. pag may problema ka naman, inaalalayan kita. kahit ayaw mo makinig sa umpisa, mapipilit din kita tpos llambingin na kita..

maswerte rin ako kasi sa kabila ng lahat ng napagdaanan natin, strong na tayo. tapos parang kahit sinong sumira saten, wa epek. dba? ang dami kong karibal sayo na tipong gusto ko na pumatay sa inis, pero lagi mong sinasabi, "ikaw naman mahal ko e." oh eh di tapos ang usapan. :>

ung mga napagdaanan nating chismis na kung ano ano, ang swerte ko kasi kahit na galit ka na nun, sa akin ka parin naniwala tsaka nakinig ka pa rin saken..

tapos everytime you touch my hand and hug me or kiss me, i just feel great. parang nwawala lahat ng lungkot,pagod at stress ko.

siguro iniisip mo nambbola nako pero , hell yeah. naiiyak ako habang tinatype to. HAHA :D

yeah. hindi ko na ma-explain kung bakit. basta maswerte ako kasi mahal mo ako. :D

Apr 19, 2012

Kristiyano ka nga ba talaga?


April 20, 2012
12midnight

Nag- sisimba ka nga pero:

may bisyo ka, nagsusugal ka, nagmumura ka, hindi ka marunong magpatawag ng kapwa, ma-PRIDE ka, hindi mo ginagalang at nirerespeto ang ibang tao, sinungaling ka, sumusuway ka sa magulang at madami pa.

Teka, baka gusto mong sabihin sa sarili mo, "MAKASALANAN AKONG TAO."

Matauhan ka naman, namatay si HESUS para iligtas ka sa kasalanan mo tapos ganyan lang ginagawa mo?
Matauhan ka naman. Hindi ka ba natatakot sa ginagawa mo?

Apr 16, 2012

Ang babae.

April 17,2012
11:57am

Ang babae, hindi ginawa ng DIYOS para saktan, lokohin at paglaruan.
Sabi nga nila, kahit itago ng lalaki ang mga kalokohan nila,
Lalabas at lalabas ang katotohanan at hindi magpapaapi ang mga babae.

Hindi sila karapat-dapat na saktan.
Kung nakasakit ka man,
mag sorry ka ng taos puso.
Hindi yung hihingi ka pa ng sorry eh uulitin mo lang naman.

Mapagpasensya ang mga babae lalo na pag mahal ka niya.
Pero tandaan mo,
oras na mapagod at mag sawa 'yan,
hinding hindi mo na siya makikilala.

Maaring maging bitter siya, o 'di kaya'y tapatan na ang ugali mo.
Oo, mahal ka niya.
Pero hangga't hindi mo pinapatunayang nagbago ka at talagang nagsisisi ka na,

Eto ang tandaan mo,
NAGKAMALI KA NG TAONG KINALABAN MO.

Apr 6, 2012

LEGAL NA RELASYON.

April 6,2012
7:22pm

Ang pagiging legal ninyong mag partner (boyfriend & girlfriend) ay isa sa pinaka masarap na feeling sa mundo.

Let me explain why by giving situational examples:

situation no.1:
Officer ka ng isang club sa school at wala pa ang papa/mama mo para sunduin ka at hindi ka marunong mag commute. Andyan siya para bantayan ka. Hindi masyadong mag aalala ang parents mo kasi nasa mabuti kang mga kamay.

situation no.2:
May mabigat kang problema at alam mong kahit anong explain o pakikiramay ng friends mo, sa kanya ka lang mapapanatag.

situation no.3:
May family dinner kayo, pag kilala siya ng parents mo, welcome siyang sumama.

situation no.4:
Bakasyon na. Wala ng pasok. Hindi na kayo magkikita araw araw pero bibisitahin ka niya para lang makita ka.

situation no.5:
Pag may away or tampuhan kayo,pwede ka niyang puntahan sa bahay para mag sorry.

situation no.6:
Pag may problema kayo, makakatulong na ang parents mo dahil pwede ka ng mag share sa kanila. Wala ka ng kailangang itago.

situation no.7:
Malayang malaya kayong makakapag date or gimik with your parents permission. Kahit na may curfew or may specific na time ang pag uwi, at least hindi niyo kailangang mag sinungaling at tumakas para lang magkita kayo.


etc.
Maraming examples ang pwedeng magbigay liwanag na ang pagiging legal ng magkarelasyon ay masaya.

Ewan ko ba kung anong problema ng kabataan ngayon pero ang hilig nila sa ilegal na relasyon.

Ang sakin lang,
oo nga't bawal pa para sa ating edad
ang maagang pakikipagrelasyon
dala ng mapanuksong lipunan,
pero kung mulat naman ang iyong mga mata sa
katotohanan,
at may takot kayo sa Diyos,
alam mo ang inyong limitasyon.
Hindi kailangang mag-alala ng iyong mga magulang
dahil nasa tama kayong pag iisip.
Respetuhin niyo ang bawat isa.

Ang dapat lang,
ipakilala mo ng maayos at matiwasay ang partner mo.
Ipakausap mo sa mga magulang mo ang partner mo.
Hayaan mong maging close niya ang mama at papa mo.
Mas gusto rin ng mga magulang na nakikilala
nilang mabuti ang taong 
pagkakatiwalaan nila para sa kanilang anak. 

Hindi mo kailangan magkaroon ng maraming karelasyon bago
mo mahanap ang taong mamahalin mo pang habang buhay.
Ang kailangan mo lang,
ipagdasal ang kanyang pagdating.
At gawing kaaya-aya ang iyong sarili sa paningin ng Diyos. 
Darating siya ng hindi natin inaasahan. 

Malay mo, ka-tropa mo pala siya o yung inaaway mong kapitbahay o 
'di kaya 'yung schoolmate mo. 
Expect the unexpected, ika nga nila.

Ang masasabi ko lang, basta pag dumating siya sa'yo,
magkakaron ng kulay ang buhay mo.
Hindi man literal, pero mararamdaman mo rin ito. 

Sino nga bang aayaw sa ganyang relasyon?
Ang malaya, walang sikreto sa magulang, at higit sa lahat, walang dapat itago. 

:)