Aug 17, 2012

Ganyan ka ba talaga?


Masyado ka na atang busy. Ni pangangamusta, wala na. Kung magtetext ka man sa kanya, e kumbaga, once in a blue moon pa. 

Ano ba gusto mo iparating? Na hindi na siya kabilang sa mga pinaglalaanan mo ng oras? 
Hindi ka man lang makiramdam. Hindi ka ba natatatakot o nagaalala man lang?

Pag magkasama kayo, onting lambing mo lang, okay na siya.

Yan ang hirap sa'yo. Masyado kang naging kuntento. 
Pati effort mo dati para makita lang siyang ngumiti, hindi mo na magawa. 
Gaano ba kahirap pasayahin ang taong mahal mo?

Kaibigan, makiramdam ka.

Pasalamat ka nga hindi siya nagsasalita. Once na sumabog yan, asahan mo...
Ipapamuka niyan sa'yo lahat ng pagkukulang mo..