Jan 30, 2012

Tatanggapin mo ba o lalaban ka ?

January 31,2012
7:40am

Hindi maiiwasang dumating sa mga pagkakataon na may isang bagay sa ating buhay na maaaring magdulot sa atin ng panandaliang kasiyahan o kaya'y permanenteng kalungkutan.
Sa tuwing tayo'y nakakaranas ng mga ganitong sitwasyon, paano nga ba dapat natin harapin ang mga ito?
Nararapat bang tayo'y sumuko para sa kanyang kagustuhan o kailangan mong lumaban para isalba ang pagmamahalan?
Mahirap isipin , madaling sabihin ngunit mahirap gawin.
Matalino man ang isang tao, sadyang darating at darating ang panahon kung kelan gusto niya ng sumuko.

Hindi man ikaw ang may kasalanan, ngunit sa mata ng ibang mapanghusga, ikaw ang dapat sisihin.
Kailanma'y hindi naging tama ang pang huhusga sa kapwa nang hindi mo siya kilala.
Maaaring may alam ka tungkol sa kanya ngunit hindi ito sapat para sabihin mong siya'y walang kwenta.
Lahat ng tao ay may kanya kanyang pagkakamali at kasalanan.
Hindi ka naiiba sa kanila.

Matuto kang lumaban kung kinakailangan. Kung alam mong masasayang lang lahat ng inyong pinagsamahan, hindi dahilan ang isang napakaliit na hinala para lumayo ka sakanya.
Kausapin at harapin mo siya para magkalinawan kayo.

Tandaan mo, lahat nang bibitawan mong salita, kailanma'y hindi niya makalilimutan.
Kung mahal mo siya, hindi mo hahayaang mawala siya sa'yo dahil lang sa walang kwentang bagay.
Hindi kailanma'y naging dahilan ang pagseselos para masira kayo.
Maliban na lang kung ginusto at alam mong wala ka nang palag dun sa pinagselosan mo.

'Wag kang makinig sa sulsol nang iba. Sa kanya ka maniwala kung alam mong mahal na mahal ka niya. Malay mo, mali ka lang pala ng akala.

Kung matagal na ang inyong pinagsamahan at nakaya niyo lahat ng pagsubok noon,
ito ba ang tamang panahon para isuko mo lahat ng iyon?

Kung plano mo nang iwanan siya nang hindi mo siya pinapakinggan o kinakausap nang masinsinan, ako na mismo ang magsasabi sa'yo, malalaman mo ang ibigsabihin ng salitang
.
.
.
.
.
.
.
"SAYANG"

Jan 20, 2012

Kahit ba ikaw na ang tama, ikaw pa rin ang dapat mag-sorry?

Jan.20,2012


Parang mali naman ata yun. Hindi porket na mabait siya, eh aabusuhin mo na lang. Hindi pwedeng habangbuhay kang martir. Ikaw rin ang masasaktan nang paulit-ulit. Dapat iniintindi mo rin kung ano ang nararamdaman niya. 

Kung ikaw na yung mali, dapat ikaw na ang magbaba ng pride mo dahil kung lalabanan mo lang at ipapagtatanggol ang sarili mo na kaya mo nagawa ang isang bagay dahil galit siya. Isipin mo kung bakit siya nagalit at isipin mo rin kung ikaw ang nasa kalagayan niya, ano ang mararamdaman mo.

Hindi pwedeng laging ganito. 
Kung galit siya, ikaw na ang lumapit at magpakumbaba. 
Hindi ka rin naman matitiis nun e. Inaantay ka lang niya na mag-sorry ka. Baliktarin mo man ang mundo, kahit may nagawa kang mali, basta mahal ka nang tao, hindi naging mahirap magpatawad. Maliban na lang kung paulit-ulit mo na ‘tong ginawa pero hindi ka naman nagbabago.

Mahirap na magsisi sa huli. Baka mawala pa siya. Kaya kung ako sa’yo, mag-sorry ka.