Mar 23, 2016

How to Save Yourself

03.24.16

Have you ever felt so depressed and you can't do anything because you can't think clearly?; or when your thoughts are nowhere to be found? 
In the end, you just stay effin' quiet in the corner; or you lock yourself in your room while crying and pouring your heart out. 💔
And that's when you'll realize that no one will ever ask you if you're okay or not? 
Oh well. It kinda sucks, to be very honest. 
Nevertheless, you'll learn how to be alone; which is kinda good. Why??? It's because you'll never be dependent to anyone. 
By the time that someone leaves your life again, you'll be fine.
You won't dwell on it anymore.
You won't cry.
You won't get hurt. 
But hey, it's okay not to be fine.
It's okay to dwell on it.
It's okay to cry.
It's okay to get hurt.
But you shouldn't; and
Because... you can't.
And yes, that's the best thing that you'll ever get in life -- learning how to be numb from all the hurt. 
No matter how hard and how painful it is, you have to be firm.
Never look back.
Never ask them to come back.
You don't deserve someone who doesn't even try to care about you.
Never ask people to love you.
Never ever ask yourself why people leave.
Just let them go.
Because someday, you will just wake up and you'll realize that you have no one besides yourself. 
On your own, you'll learn how to smile.
On your own, you'll learn how to be happy.
On your own, you'll learn how to love yourself.
On your own, you'll be fine.
And dear, that is the best.

Sep 21, 2015

Bola

Akala ko noon ikaw ay akin Sa iba ka pala nakatingin Kailan mo ba ako titigilang paikutin Maawa ka, ako'y sawang sawa na rin. Lagi na lang akong out para sa'yo. Kailan nga ba ako nauna sa priority mo. Puro ka sigaw ng 'mine', hindi mo naman ako sinasalo. Hanggang dito na lang ba talaga tayo

BATA, BATA... PAANO KA GINAWA?

SA APAT NA SULOK NG SILID NA ITO NARIYAN ANG LUGAR KUNG SAAN KA MABIBIGO ALAK YOSI MADILIM NA KWARTO OO BATA DIYAN KA MABUBUO NOON, BIRTHDAY, PROJECT, THESIS ANG PAALAM NI NANAY. INUMAN LANG PALA KASAMA ANG TROPA, HINDI KA PA BA NASANAY? ILANG TAON PA BA BAGO MAMUHAY NG MATIWASAY? NABIGAY NA ANG LAHAT, O, BATA, MAAWA KA NAMAN SA IYONG NANAY.

Sep 17, 2015

Love, War, Betrayal and Death (General Luna & Ysidra)

DISCLAIMER: 

This poem was inspired by the relationship of Gen. Luna & Ysidra in the Filipino Indie Movie "Heneral Luna"

This piece is all about her feelings as a mistress and as a girl who lost her beloved. 
This is written from the POV of Ysidra. 





("The Fallen Petals" which can be related to Ysidra's feelings for General Luna.
Picture taken by yours truly)



Ako si Ysidra.
Itinuturing na isa 
sa mga babaeng
pinaka mahalaga 
sa aming pamilya.

Pero, Antonio, alam mo ba...
sa lahat ng mayroon ako...
ikaw ang pinaka-iniingatan ko?

Oo, inaamin ko.
Ako'y isa lamang kabit.
Kabit ng isang ginagalang
na heneral ng Pilipinas.
Kabit ng isang lalaki 
na mas mahal 
ang pakikipagdigma 
kaysa sa sariling pamilya.

Ako'y nagmahal ng isang lalaki.
Lalaki na walang ibang iniisip
kung hindi ang Pilipinas lamang.
Isang lalaki na walang puso
sa pananakit ng mga tao...
mga taong hindi niya kapantay
sa pagmamahal sa Pilipinas.
Ang lalaking kinilala bilang 
ginoong Artikulo Uno.

O, Antonio, 
ang pakiusap ko 
ay sundin mo. 
Kahit isang beses lamang...
ako naman ang iyong pakinggan.

Antonio...
Ako'y naghihintay.
Ako'y umaasa.
Ako'y nagninilay-nilay. 
Ako'y handang magbigay pugay.
Malaman ko lang ang totoo.

Antonio...
Sana naman pakinggan mo ako.
Ang puso kong litong lito.
Ang puso kong durog durog
dahil sayo.

Minsan na akong nagtanong sa sarili ko,
para kanino, 
saan at ano nga ba itong ipinaglalaban ko? 
Ako'y gulong gulo.

Antonio, hindi ko alam.
Hindi ko na alam.
Bakit ako ganito?
Ano nga bang mayroon tayo?

Sapat na bang mahal kita at 
ginagamit mo lang ako,
 matiis ko lang lahat ng ito?
Sapat na nga ba ito para sa iyo? 

Antonio, 
kailan ko nga ba maririnig...
ang totoo?
Kailan ko nga ba maririnig...
na mahal mo ako? 

Sino nga ba naman ako 
para sa iyo, Antonio?
Isa lang akong hamak na
kabit na nagpapasaya sa iyo 
sa mga gabing
ika'y nangangailangan ng init
na sensyason sa katawan.
Antonio, 
ibinibigay ko nang buong buo
ang sarili ko sa iyo.

Ngunit umaasa pa rin ako 
na mayroong kapalit.
Kahit man lang sana
pagmamahal at atensyon mo.
Antonio, sana ako'y 
maintindihan mo.

Pasensya na nga pala, 
Antonio.
Sa kadahilanang
ako'y nakalimot.
Pasensya na... Antonio.

 Tandang tanda ko pa 
ang iyong mga sinabi, 
na noong una pa lang,
"Ako si Heneral Luna at ikaw si Ysidra." 
Kaya pasensya na, Antonio.

Hanggang ngayon ako'y umaasa.
Na sa bawat laban na iyong haharapin,
nawa'y ang iyong pusong umaalsa
laban sa mga dayuhan ay hindi makalimot 
sa mga gabing ako 
ang iyong binibigyan ng pag-asa.

Ang mga maaalab na gabi
kung saan tayo'y nagiging isa. 
Sa gitna ng mga patagong tagpuan,
sa kabila ng maliliit na tulugan,
ang mga munting himig na ating nagagawa 
dala ng init sa ating mga katawan.
Hinding hindi ko pinagsisisihan.
Ang pag galaw natin ng walang tigil
na tila hindi napapagod
kahit ito'y ating ulit-ulitin,
makamtan lang ang ating inaasam 
na rurok ng kaligayahan.

Aaminin ko, 
naroon ang karampot na pag-asa.
Ang pag-asa na sa mga maiinit na gabing iyon,
nakukuha ko ang iyong oras, atensyon at pagnanasa.

Hinding hindi ko makakalimutan
ang mga araw na iyon, Antonio. 

Mali nga ba
na mahalin kita
sa kabila ng lahat ng ito?
Mali nga ba 
na binigay ko ang lahat ng meron ako
para lang sa iyo, Antonio?

Ngayon pa lang ay sabihin mo na.
Ako nga ba ang mahal mo? 
O, mas mahal mo sila? 

Pero alam ko rin naman
na kahit tanungin kita
hindi pa rin ako 
ang isasagot mo, Antonio.

Dahil una pa lang,
sinaktan mo na ako.

Isang gabi, 
noong akala ko ay darating ka... 
Ako'y naghintay.
Ngunit nauwi ito sa wala.
"Antonio, nasaan ka na?"
Tanong ko sa aking sarili.

"Asan ka na, Heneral Luna?"
Tanong ko sa kanila.

"Ysidra, wala na siya...",
sambit sa akin ng sambayanan. 
Kayo nga raw ay pumunta ng Cabanatuan
kasama ang iba.
Dahil sa isang telegrama na iyong natanggap,
galing umano sa Senyor Presidente ng Pilipinas 
na si Aguinaldo.
Ni isang pagdududa ay wala ka, 
dahil umaasa ka pa rin
na pare-pareho kayo ng adhikain.

Doon ka huling lumaban
ng may dangal. 
Buong tapang na hinarap 
ang lahat ng traydor at kaaway.
Sa kabila ng iyong pakikipaglaban 
sa mga tauhan nila,
hindi ko pa rin matanggap ang katotohanan na 
sa isang iglap...
kinuha nila ang itinuturing kong akin.

Wala ka na, Antonio.

Noong una ay akala ko'y matatanggap ko.
Ilang buwan ko na rin na pinaghahandaan 
ang panahong kagaya nito.
Pasensya na, Antonio.

Pasensya na, Antonio.
 Dahil aking nakalimutan. 
Isa ka nga pala sa mga heneral ng bansa.

Isa ka sa mga tao na handang mamatay
para lang sa kalayaan.

Isa ka sa mga tao na handang iwanan ang iba
para lang sa bayan. 

Isa ka sa mga tao na walang puso dahil
hindi man lang nagpapaalam, bago mawala ng tuluyan. 

Pasensya na, Antonio.

Ngunit aaminin ko,
 nang marinig ko iyon, 
O, Antonio, patawarin mo ako. 
Sapagkat ako'y nasaktan ng todo. 

Sa lahat ng katanungan ko noon,
ito na nga ba 
ang iyong sagot, Antonio?
Ni isang paalam ay wala.
Ni isang telegrama ay wala.
Ako'y umasa na naman sa wala. 

Sa kabila ng lahat...
Antonio nais ko na malaman mo, 
wala akong ibang minahal 
bukod sa iyo.

Antonio, 
salamat dahil ako'y iniwan mo.
Kapiling ang mga gintong
kailanma'y hindi maibibigay
ang ligayang idinulot mo sa buhay ko.
Salamat sa pag iwan nang mga ito, Antonio.

Salamat sa pagtitiwala na kaya
kong mabuhay nang walang
inaasahan maliban sa sarili ko.

Totoo nga 
na sa kahit 
anong aspeto ng buhay,
darating ang mga 
pagkakataon na magmamahal 
tayo ng mga taong 
walang ibang gagawin
kundi manakit at
 ang mang iwan lamang.

At oo, naramdaman ko iyon.
Sa iyo.
Dahil alam ko, 
hinding hindi ka 
na babalik, Antonio. 

Heneral Luna...
Ginoong Antonio...
ano man ang itawag nila sa iyo
hinding hindi magbabago
ang puso kong nabihag mo.

Kaya maraming salamat sa iyo, Antonio.
Dahil kahit papaano,
sa gitna ng malawakang gulo, 
sa kabi-kabilang patayan 
at gera para sa bayan,
ako'y nakaranas ng pagmamahal mo. 

Totoo na ito.
Kaya't paalam na, ginoo.
Dahil alam ko,
at nang buong sambayanang Pilipino...
ilang henerasyon man ang magdaan 
at maka-rinig o maka-basa ng ating kwento,
tanggap ko na ang lahat.
Na hanggang dito na lamang talaga tayo.

Na kahit minsan 
ay hindi na maaaring baguhin 
ang mga pangyayari sa ating panahon.

Ang ating sinapit, 
na nakasulat na sa mga libro ngayon.

Ikinalulungkot ko lamang dahil 
kahit saan ka man tumingin,
sa istorya natin, ako ang masama.
Ako ang nakiapid.
Ako ang kabit.

Kahit hindi ko pa 
kayang tanggapin ang lahat,
wala na akong magagawa.
Dahil ito ang ating tadhana.

Kinasusuklaman ko ang lahat ng tao 
sa likod nang 
nangyaring trahedya sa inyo.
Hindi man nahatulan ng matinding parusa 
ang mga taong pumatay sa iyo, 
Isinusumpa ko na balang araw, 
maisisiwalat sa buong mundo,  
na mayroon tayong mas higit na kalaban
bukod sa mga dayuhan.
At iyon ang mga kapwa natin Pilipino.

Hindi nila naiintindihan ang lahat, Antonio.
Nasasaktan ako dahil alam ko,
ang lahat ng sakripisyo mo
para sa bansang 
kinalakihan mo.

Ako'y humihingi ng tawad, Antonio.
Dahil ang bayan na minsan nagbigay 
kasiyahan sa iyo 
at kinagisnan mo...
ang bayan 
na ipinaglalaban mo, 
ang mismong papatay sa iyo.

Patawad 
dahil wala akong nagawa, 
Antonio.

Patawad 
dahil isa ako sa pumatay 
sa mga nag-aalab 
na puso ng mga Pilipino.

Patawad 
dahil hindi ko 
maipag-papatuloy 
ang sinimulan mo. 

Patawad 
dahil ang puso ng henerasyon
na nakikita mo ngayon 
ay wala nang Nasyonalismo.
Patawad sa lahat Antonio. 

Marami pa akong nais 
sabihin sa iyo, Antonio.
Ngunit gaya nga ng iyong sinabi,
walang nakakaangat sa batas, 
kahit presidente
at maging ako.
Kaya nga hanggang 
dito na lang ako.

Kahit ako ang naging isa 
sa mga babae mo,
wala na akong karapatan 
para ipagpatuloy pa 
ang laban na ito.
Dahil kabit lang ako, Antonio.

Masakit man 
ang mga pangyayari, 
wala na... 
wala na akong magagawa.
Dahil hinding hindi ka na 
babalik, Antonio.

Kaya mula sa kaibuturan 
ng aking puso, 
patawad at paalam, aking heneral. 
Hanggang sa muli nating pagkikita 
sa kabilang buhay.

Paalam, sinta.

Paalam, mahal.

Paalam, Antonio.


-J.E.

Sep 11, 2015

HUGOT LINES RE: Pictures uploaded in Facebook




ME: 
Yung quality ng pictures, pumapangit basta inuupload sa FB. Parang tiwala ko sa kanya, nawawala unti unti kasi malandi siya...

STEPHEN:
Parang pagmamahal. Buo mong binigay tapos.... <////3

ME:
PARANG PUSO.. SIRA SIRA NA PAGBALIK SAYO

STEPHEN:
Minsan kase assuming lang talaga tayo. Pero bakit kase nagpapakita ng motibo. Parang quality ng pictures, minsan malinaw. Minsan malabo.

ME:
Pero mostly parang relasyon talaga namin. Minsan okay, minsan hindi. 

STEPHEN:
Ganon talaga, minsan hindi niyo maiiwasang magkalabuan. Parang glass, kailangan mo lang punasan para ika'y malinawan. 


#HUGOTEVENINGS

Hugot lines re: Breakfast Table Hangout with Orgmates





ME:
Sana talaga masarap yung food dun. Tapos mura lang. Yung tipong afford ng lahat. Kasi ang hirap mag wish sa hangin para lang magkasya yung pera mo. Parang yung ginagawa niya sayo. Pinagkakasya niya kayong lahat sa puso niya kahit imposible. Ayun tuloy minsan tubig lang afford mo tsaka isang pirasong cupcake. Parang time niya. Kapiraso lang din yung nakalaan para sayo. 


#HUGOTEVENINGS