Aug 16, 2011

KAIBIGAN NGA BA?


KAIBIGAN NGA BA?
Naranasan mo na ba ‘to?
Yung napatanong ka nalang bigla sa sarili mo kasi kahit ikaw, hindi nasigurado?
Hindi ko alam kung tama ako. Sana mali. Pero, nakakaloko talaga pag may ganito.
Ang ganda ganda ng turing mo, tapos biglang, hindi pala siya loyal sa friendship niyo.Ano kayang gagawin mo?
Pag kaharap mo siya, akala mo kung sinong santo,tapos pag hindi mo kasama, biglang mangbabackstab lang.
Minsan nga, boys pa yung dahilan kung bakit nagkakawatak watak ‘yung magkakaibigan e.
Kasi naman, sino ba naman kasing nagsabing pwede yung ganitong situation:
 BOYFRIEND NG BFF MO, tapos LALANDIIN MO? or  CRUSH ng BFF mo,NILALAPIT-LAPITAN MO?
Malamang may magagalet. Dapat kasi, mag-explain muna
Meron naman, (madalas nangyayare sa mga telenovela)
pag may gusto yung kaibigan mo sa boy. Ikaw yung gusto ni boy, may gusto ka rin kay boy pero magagalit si BFF.
TAMA BANG GAWING DAHILAN ANG LALAKI PARA SA SIMPLENG AWAYAN?
Mas mabuti pa rin na tahimik ka na lang. ‘Wag mo sabihin lahat ng secret mo sa “BESTFRIENDS” mo. Kasi, pag yan, sumabog, daig pa ang bulkan. Lahat puputukan.
Sana nga, mali ang pananaw ko o nating lahat. Sayang naman kasi yung pinagsamahan niyo kung mawawala lang nang dahil sa ganyan.
Nasa huli pa rin ang pagsisisi.

No comments:

Post a Comment