Aug 27, 2011

Pakiramdam ko lang o pakiramdam mo rin?

August 28, 2011
11:51AM
Pakiramdam ko lang o pakiramdam mo rin?
Alam mo ba ‘yung pakiramdam na wala ka sa sarili? ‘Yung parang nasa mood ka pero maya maya, bigla kang malulungkot. ‘Yung ang saya saya mo ng umaga pero pag dating ng tanghali, bigla kang tahimik? Or pagkagising mo pa lang, pakiramdam mo na parang may hindi magandang mangyayari sa araw na ‘to?
Hindi ko rin alam kung bakit nagkakaganito ang tao. 

Siguro nga gawa ng mood swings, weather, noise at iba’t iba pang factors na nagiging dahilan ng pagiging moody ng tao.

Minsan naman, pag malungkot ung background music nila, nagkakaron sila ng sarili nilang mundo. ‘Yung tipong bigla na lang magiging emo. Para sa iba, mahirap pakisamahan ‘yung mga taong ‘to kasi nga hindi sila masyado nagsasabi kung anong nararamdaman nila. They just cry in one corner of the room alone. Ayaw nila makipagusap. Ganito ako. Hindi ko rin alam kung bakit pero ang sarap sa pakiramdam, even though it hurts,  alalahanin ‘yung mga times na nagkamali ka pero napatawad ka, yung times na nasaktan ka etc. ‘Yung taong maglalaslas na lang ng walang dahilan. In short, EMO. Or worse, magpapakamatay na lang dala ng depression.

Paano nga ba makihalubilo sa mga taong ganito? Ano bang dapat gawin para sa kanila?

>MAG-PRAY-sa ibang tao, corny ang pagiging prayerful. Iniisip kasi nila, banal ka nang tao pag nagdasal ka. Hindi ba nila alam na pag nagkaron ka ng time na mag pray kahit one minute lang, masarap na sa pakiramdam? Iba kasi ung feeling na si Lord mismo ung magpapagaan ng loob mo bago ka humingi ng tulong sa ibang tao.

>PATAWANIN-ung kahit corny mga jokes mo, basta mapangiti mo sila, magiging okay din yan hindi lang halata.

>BIGYAN NG CHOCOLATE-hindi ko alam kung may comfort food din kayo pero ganito ako. Pag malungkot ako, gusto ko lang kumain ng chocolate. There’s that sweet feeling pag merong chocolate. It hinders your bitterness kung ano mang nangyare sa’yo. Basta, the best pa rin ‘to.

>COMFORT-everyone is not that strong as they are when they are sad. Iba ung pagiging matapang sa panlabas lang. halos lahat naman ata marunong mag advice pero pag sila na ung mismong problemado, nagiging TANGA na rin. Guide them. Whatever it takes just to make them feel better. Mas masarap sa pakiramdam pag malungkot ka, there’s that important friend/person to guide you. Yung pakikinggan ka pag nagsabi ka ng problema mo, yung dadamayan ka pag umiyak ka, or simply, yung taong pwede mong sandalan sa oras na kelangan mo sila.

>TELL HIM/HER THAT EVERYTHING IS FINE-kung alam mong hindi mo siya mapapasaya, yan na lang ang sabihin mo sabay yakap sa kanya. Pag niyakap mo kasi ang taong ganito, maya maya, maiiyak na yan kasi mararamdaman nila yung tenderness at care sa pagyakap mo lalo na kung mahal mo ‘yung taong ‘to.

Yan lang ang naiisip kong BEST na paraan. Pero nasa atin pa rin yun.
We just need to accept the fact na kahit gusto natin silang pasayahin, hindi natin magagawa kasi ibang tao ung gusto nilang mag-comfort sa kanila.
‘Yun ‘yung pinakamasakit dun. </333 ‘Yung nandyan ka naman para sakanya pero ibang tao ang makakapag-paligaya sa kanya..

Kung ginawa mo na lahat pero wala pa rin, okay lang. At least ginawa mo ‘yung part mo at naparamdam mo na kahit anong mangyare sa kanya, handa kang damayan siya.
 We just have to trust ourselves that everything will be fine. 
--A.G.E

No comments:

Post a Comment