Dec 28, 2011

Hanggang dito na lang ba?

Dec. 28,2011

Chapter 1: Tadhana


Ako si Mae Jang.
Nag-iisa akong anak ni mama at papa. Sabi ng iba, lumaki daw ako sa layaw kasi lahat ng gusto ko nakukuha ko. Lumaki ako kasama ang mga yaya ko. Minsan ko lang makasama sina mama dahil busy sila.
16 na ako ngayon. Lumaki ako kasama lang ang mga gadgets na nagsisilbing libangan ko.

Nakilala ko ang kaibigan ko na si John kung saan ako nag-aaral. Masaya siyang kasama. Tinuring ko siyang kapatid.
Masaya ang pamilya nila. Minsan, hindi ko maiwasang mainggit sa kanila. Ideal family kasi sila. Kumpleto lagi at nagkakaron ng bonding.

Isang araw, may Saturday class kami sa school. Sinundo ako ni John sa bahay. As usual, pag gising ko, wala na sila mama at papa dahil nasa office na agad. Ayun, nag ayos na ako. Medyo nagmadali ako dahil ayoko maghintay ng matagal si John. Nakakahiya naman. 

Pagkatapos ko, bumaba na ako sa sala at nakita kong magkausap si yaya at John.
“Anong pinaguusapan niyo yaya?” Tanong ko.
Tumingin sila sa akin at sabi  ni John, “Ang tagal mo naman! Late na tayo niyan.“
“Mag ingat kayong dalawa sa daan.” Sabi ni yaya.
So, nagpaalam na ako kay yaya.

Habang papunta kami sa school, sabi ni John siya na raw magbubuhat ng bag ko, he was so gentleman.
Hindi ko maiwasang tumingin sa mata niya. Ngayon ko lang napansin, ang ganda ng mata ni John.
Nahuli niya akong nakatingin sa kanya, sabi niya “May dumi ba sa muka ko?”
Sabi ko naman, “Wala. Napatingin lang ako. Ang cute pala ng mata mo.”
Sabi niya, “Minana ko daw ‘tong mata ko kay papa.”
“Siguro ang gwapo ng papa mo noon.”
“Chickboy nga daw siya noon e.” Sabi ni John
“HAHAHA. Malamang hindi mo siya kamuka.”
“Bakit naman?” Tanong ni John.
“Ang panget mo e.” Biro ko kay John.
Kinurot niya ako, tapos nilapit niya ‘yung muka niya sa muka ko..

"Ang cute cute mo Mae.Buti na lang nakilala kita. Dahil sa'yo, masaya ako lagi." Sabi ni John.
Nagulat ako nung sinabi ‘to ni John. Namula ako. Hindi ko alam kung siya ba talaga ‘to o kung panaginip lang.

“Masaya rin ako pag kasama kita,John.”
TAMA BA ITO!? Nagulat ako nung nasabi ko ‘yun. Lumayo siya sa muka ko then hinawakan niya ‘yung kamay ko habang naglalakad kami.

“I’ll be your guide wherever you go.” Sabi ni John.
Nananaginip ba ako? O totoo talagang sinabi niya ‘yun?
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Ako si John Chui.
Masayahin akong tao. Sabi nila, makulit ako. May pagka-magulo pero mabait. Kumpleto ang pamilya namin. Pero si papa, laging wala. Nasa bar kasi lagi. Manginginom, sugarol tsaka basagulero.
Magulo rin ang pamilya ko pero maswerte ako dahil kumpleto kami. Kahit ganon si papa, mahal ko siya.

Naawa ako kay Mae kasi mag-isa lang siya lagi. Inalagaan ko siya na parang kapatid. Bestfriend ang turing ko sa kanya. Sa kanya ko kasi nasasabi lahat ng problema ko.
Masaya ako pag-kasama ko siya. Parang may connection sa amin na hindi ko maipaliwanag. Basta, nung nakilala ko siya, naging Masaya ako.

Isang araw, sinundo ko siya sa kanila. Naawa ako kasi pagdating ko dun, wala na parents niya, kagigising niya lang din. Hinintay ko siya sa sala. Ang laki ng bahay nila. Pagtingin ko sa isang sulok, may nakita akong family picture nila. 4 sila. Si Mae, parents niya kasama ang isang lalaki. Bata pa sa picture si Mae. Ang cute nilang tignan.

“Namatay siya sa birthday party ni Mae. Nasunog yung bahay nila sa Ilocos. Sabi nila si Mae daw nagsindi nung lighter para sa kandila. Tapos aksidenteng napunta sa sahig. Alam mo naman sa probinsya, puro kahoy ang bahay. Ayun, mabilis daw na kumalat yung apoy. Umiiyak noon si Mae sa cabinet. Nasa labas na lahat ng tao nun, siya na lang ang nawawala. Pumasok siya sa bahay ulit para makuha si Mae. Nakuha ng mga firemen si Mae pero naiwan siya sa loob.” Sabi ng yaya ni Mae.

“Ano pong pangalan niya?” Tanong ko naman..
“Kenneth.” Sabi naman ni yaya.
"Naalala ko nung nangyari 'to. Malapit lang sa bayan namin 'yung bahay nila. Hindi ko akalain na siya na pala 'yun. Nakakaawa si Mae."

"Hindi na naaalala ni Mae lahat. Bata pa siya noon. May trauma siya sa apoy kaya mas mabuting 'wag mo na lang siya tanungin tungkol dito. " payo ni yaya.


Bumaba na si Mae. Lumapit siya sa amin tapos nagpaalam na siya kay yaya.
Habang naglalakad kami, binuhat ko ‘yung bag niya. Gusto ko siyang tulungan.

Nahuli ko siyang nakatingin sa akin. Ang kulit ni Mae. Ang panget ko daw. 
Hindi ako napipikon sa tuwing nag-aasaran kami. Magaan ang loob ko sa kanya.

Hindi ko namalayan, malapit na pala yung muka ko sa kanya. Bigla kong nasabing “Ang cute cute mo Mae. Buti na lang nakilala kita. Dahil sa’yo, Masaya ako lagi.”

Nagulat ako nung sinabi niya ‘yung “Masaya rin ako pag kasama kita,John.”

Natuwa ako nung sinabi niya 'yun, namula siya. Lumayo ako sa muka niya tapos hinawakan ko 'yung kamay niya, sabi ko "I'll be your guide wherever you go.."



>>>>>to be continued<<<<<<<<<

2 comments: