Showing posts with label serious mode. Show all posts
Showing posts with label serious mode. Show all posts

Jan 20, 2012

Kahit ba ikaw na ang tama, ikaw pa rin ang dapat mag-sorry?

Jan.20,2012


Parang mali naman ata yun. Hindi porket na mabait siya, eh aabusuhin mo na lang. Hindi pwedeng habangbuhay kang martir. Ikaw rin ang masasaktan nang paulit-ulit. Dapat iniintindi mo rin kung ano ang nararamdaman niya. 

Kung ikaw na yung mali, dapat ikaw na ang magbaba ng pride mo dahil kung lalabanan mo lang at ipapagtatanggol ang sarili mo na kaya mo nagawa ang isang bagay dahil galit siya. Isipin mo kung bakit siya nagalit at isipin mo rin kung ikaw ang nasa kalagayan niya, ano ang mararamdaman mo.

Hindi pwedeng laging ganito. 
Kung galit siya, ikaw na ang lumapit at magpakumbaba. 
Hindi ka rin naman matitiis nun e. Inaantay ka lang niya na mag-sorry ka. Baliktarin mo man ang mundo, kahit may nagawa kang mali, basta mahal ka nang tao, hindi naging mahirap magpatawad. Maliban na lang kung paulit-ulit mo na ‘tong ginawa pero hindi ka naman nagbabago.

Mahirap na magsisi sa huli. Baka mawala pa siya. Kaya kung ako sa’yo, mag-sorry ka.

Sep 15, 2011

Buhay pag-ibig.

September 15,2011

Hindi naman lahat ng tao pwedeng laging masaya.
Pero alam mo, ako? Kahit ngiti mo lang, napaka-ganda na rin ng araw ko.
Kahit sabihin ng ibang tao na corny ako, eh bakit ba?

Masama ba  na ngumiti ka dahil sa isang taong nagpapatibok ng puso mo?
‘Di ba hindi naman?

Lahat naman ng tao, naiinlove eh. Kaso ‘yung iba, napapariwara lang.

 Hindi kasi nila naiintindihan kung anong pakiramdam nang nagmamahal ka ng totoo. Feeling nung iba, laro laro lang.
Kung gusto niyo lang maglaro, eh ‘di maghanap kayo ng BARBIE.  Hindi puso ng babae ang pinaglalaruan.

Ang sakit kasi sa mata na may makita kang pag may umiiyak dahil lang sa pag-ibig na ‘yan.
Ang mga broken nagiging depressed, losyang at namumugto ‘yung mata kakaiyak, eh wala namang mangyayari sa pag-iyak. ‘Yung iba naman , hindi na kumakain, nagkukulong sa kwarto tapos hindi na nagsasalita. 
Ang weird ng nagiging kalabasan ‘no?

Sana naging laro na lang ang pagmamahal kung ganito lang gagawin nila.

‘Yung tipong pag nag-game over eh pwedeng mag start a new game. Hindi rin naman kasi kami gaya ng DOTA, na pag natalo kayo pwede pang bumawi. NEVER niyo kami dapat i-compare ang babae sa DOTA dahil ‘yun ay isang LARONG KINAAADIKAN samantalang kami, hindi dapat saktan.

Ang sakit kasi talaga isipin pag mas inuuna pang isipin kung paano paglalaruan ‘yung puso namin.
Martir man kami, marunong din kami masaktan.

Pero alam mo para sa akin, wala lahat ng ‘yan.
Dahil kung talagang nagmamahal ka nang totoo, handa kang ibigay ng buong buo ang sarili mo sa taong mahal na mahal mo.

Hindi dahilan ang sandamakmak na kasalanan para mag-give up ka sa isang bagay.
The more you hold on to one thing, the more you become stronger and faithful.

Kahit ‘yung tipong nasasaktan ka, hinding hindi ka bibitaw kasi nga alam mong mahal na mahal niyo ang isa’t isa, sadyang may hindi lang pagkakaintindihan sa pagitan ninyong dalawa…

Hangga’t alam niyong nagmamahal kayo beyond different hurdles, 
basta center ng relationship niyo si God, hinding hindi niya kayo pababayaan. 
Kahit kelan. :)