"I think I'm starting to have feelings for you..."
"Same here. Do you think we should try if we're really compatible?"
"Can we do that? I'd love to."
"I'm really happy to be with you."
"I love you."
"I love you too..."
---
"I can't believe that you're so selfish! What a childish attitude! Grow up!"
"Ha! You're the one who's at fault. Don't put the blame on me!"
"When will you start thinking about the feelings of other people? When will you see that I'm hurting inside?!?!"
"I didn't do that. You broke yourself because you allowed it to hurt you!"
"What the... are you playing dumb or you just can't see how hard it is for me to be in this position?"
"If it's hard for you then let's stop this right now. I'm hanging up. BYE!"
"What?!?!"
"I'm just saying... if you're that hurt, then there's no point of going on. We should just stop."
"How can you say that so easily??????"
"It's easy. Let me go and I'll let you go. This is just a waste of time."
"Wow. I can't believe that I never saw this side of yours. You changed so much. It's like I'm talking to a person I don't know."
"You don't know me well so stop saying that I changed. It's annoying. This is annoying!!"
"You've changed so much. Tell me honestly... do you... I mean..."
"Yes, I like her so stop pushing yourself for me. It's over. WE ARE OVER. It's not like this was serious."
"So it's because of someone else... ha... I can't believe that you just threw it all away..."
"I threw what?"
"My heart. My feelings. My everything..."
"Look. I'm sorry. It's not you. It's me."
"What do you mean?"
"I wasn't even sure why we ended being a couple but to be honest we were not right for each other so please. Stop being pathetic over this relationship. It's never going to work. This is not a fairytale."
"Is it bad that I believe in a happy ending???"
"Yes 'coz life sucks. It's always unfair. Stop dreaming about a perfect love like those fairy tale stories. It isn't like that. There's always an end to something. Like us."
"I can't believe this..."
"Well, this is real. This is how life is. Whatever you have right now, is not going to last because it will suck the hell out of you. It will piss you so much. Far from what you can even imagine. It will hurt you in so many ways that sometimes you just want to die. But don't. Since you're always going back to step 1. Starting all over again."
"I feel like dying..."
"Then that means your alive. Because you feel hurt. Your brain is working. Your senses are working..."
"I'm alive yet you killed me inside."
"I'm sorry..."
"It always starts with simple hellos and it always ends with a simple
sorry..."
"Hello..."
"What? What are you... what are you doing? Hey don't joke around! Hello?? Hey! Are you still there???"
"Thank you for letting me know that I'm alive..."
"Oh.. I'm sorry. I'm not like what you've always dreamed of..."
"I'm also sorry... for being dumb... and for believing in you.. and for believing in a thing called love."
"Hello?? Hello??? Hey. You're not thinking of ending...."
"I love you.... I'm sorry..." *ends the call*
Anyone can love a rose, but only a great heart can include its thorns. Everything written here is beyond my passion and deep imagination.
Showing posts with label love. Show all posts
Showing posts with label love. Show all posts
Aug 11, 2015
Jan 11, 2015
Isn’t It Amazing?
Isn’t It Amazing?
Isn't it amazing how kids get happy because of simple things? Like, they smile every time they see something fascinating.
Isn't it amazing how much we loved playing when we were kids?
Isn't it amazing how we cried just because we scraped our knees from running or falling down?
Isn't it amazing how kids have problems that adults don't even have time to care about it because they are so simple?
Isn't it amazing how we all wanted to 'grow up' when we were kids, for the sake of experiencing more? We hoped that we would still have our 'scraped knees' as our problem but instead of that, we've had our hearts broken because of wrong choices, wrong relationships, wrong decisions and all other kinds of wrongs.
Isn't amazing how we all wanted to 'become a kid again' when we grew up?
We thought that being an adult will get us everything in life. But we lost a lot. Just for the sake of aiming 'happiness' without caring for the people around us. Instead of gaining more, we've lost our friends, our colleagues and ourselves.
We were dumb.
We were selfish---to the point that we wanted to turn back the time for ourselves.
Isn't it amazing that we were wrong again?
It has always been like this.
Screw life.
Isn't it amazing how much we loved playing when we were kids?
Isn't it amazing how we cried just because we scraped our knees from running or falling down?
Isn't it amazing how kids have problems that adults don't even have time to care about it because they are so simple?
Isn't it amazing how we all wanted to 'grow up' when we were kids, for the sake of experiencing more? We hoped that we would still have our 'scraped knees' as our problem but instead of that, we've had our hearts broken because of wrong choices, wrong relationships, wrong decisions and all other kinds of wrongs.
Isn't amazing how we all wanted to 'become a kid again' when we grew up?
We thought that being an adult will get us everything in life. But we lost a lot. Just for the sake of aiming 'happiness' without caring for the people around us. Instead of gaining more, we've lost our friends, our colleagues and ourselves.
We were dumb.
We were selfish---to the point that we wanted to turn back the time for ourselves.
Isn't it amazing that we were wrong again?
It has always been like this.
Screw life.
Labels:
academics,
bitterness,
emotional love,
heartbreak,
hurt,
kabataan,
knowledge,
life,
love,
lovelife,
reality,
trust
Oct 1, 2012
Hindi porket masaya siya ngayon e wala siyang problema. Alam niya kasing kahit sabihin niyang suko na siya, walang makikiramay sa kanya.
Para sa lahat ng taong may kilalang ganito:
Sabihin mo sa kanya kung gaano siya kamahal ng Diyos. Pagsubok lang yan. Hindi pa matatapos ang pag-ikot ng mundo kaya ‘wag siyang susuko. :)
Labels:
emotional love,
heartbreak,
hurt,
life,
love,
lovelife,
reality
Hindi sa lahat ng pagkakataon, masaya ka. Darating ka sa pagkakataon na gusto mo na lang matulog kaysa magising pa.
'wag ka sumuko pag may dumating na pagsubok sayo. Patunayan mo sa lahat ng tao na kaya mo at malalagpasan mo ito. :)
Kahit baliktarin mo man ang mundo, 'yung mga oras na sinayang mo, hindi na maibabalik pa.
Ang mahalaga, kung may mga pagkakamali ka man noon, may natutunan ka naman ngayon.
Apr 28, 2012
Crush ko siya :>
April 28, 2012
3:55pm
"Uy, andyan na siya!"
"Saan!?"
"Ayun oh!"
"Ang cute niya talaga!!"
"Hoy! Akin siya!"
"Eh, ang cute niya talaga!!"
Sounds familiar, right? Ang isang average high school girl, ay kadalasan naka-encounter na nito.
Totoo ngang masarap ang pakiramdam pag nakita mo ang crush mo sa campus.
'Yung feeling na parang buo na ang araw mo at hindi ka na magiging bad vibes for the rest of the day.
Yeah. It feels good and great lalo na pag nakausap mo pa ang crush mo.
Kulang na lang siguro, himatayin ang mga babae pag ganyan.
Well, isa sa mga pinakamagandang naidudulot ng crush sa buhay natin:
INSPIRATION
Pag nandyan si crush, inspired ka mag-aral,
Pag nandyan si crush, active ka sa klase.
Pag nandyan si crush, pakitang tao ka.
Pag nandyan si crush, ingat na ingat ka sa galaw mo.
Pag nandyan si crush, natututo kang pakalmahin ang sarili.
Pag nandyan si crush, kahit kilig na kilig ka na, idedeny mo pa.
At marami pang iba.
Mahirap man i-explain, malalaman mo na lang na kinikilig na kung kahit pigilan mo ngumiti, sadyang mapapangiti ka. :)
3:55pm
"Uy, andyan na siya!"
"Saan!?"
"Ayun oh!"
"Ang cute niya talaga!!"
"Hoy! Akin siya!"
"Eh, ang cute niya talaga!!"
Sounds familiar, right? Ang isang average high school girl, ay kadalasan naka-encounter na nito.
Totoo ngang masarap ang pakiramdam pag nakita mo ang crush mo sa campus.
'Yung feeling na parang buo na ang araw mo at hindi ka na magiging bad vibes for the rest of the day.
Yeah. It feels good and great lalo na pag nakausap mo pa ang crush mo.
Kulang na lang siguro, himatayin ang mga babae pag ganyan.
Well, isa sa mga pinakamagandang naidudulot ng crush sa buhay natin:
INSPIRATION
Pag nandyan si crush, inspired ka mag-aral,
Pag nandyan si crush, active ka sa klase.
Pag nandyan si crush, pakitang tao ka.
Pag nandyan si crush, ingat na ingat ka sa galaw mo.
Pag nandyan si crush, natututo kang pakalmahin ang sarili.
Pag nandyan si crush, kahit kilig na kilig ka na, idedeny mo pa.
At marami pang iba.
Mahirap man i-explain, malalaman mo na lang na kinikilig na kung kahit pigilan mo ngumiti, sadyang mapapangiti ka. :)
Apr 6, 2012
LEGAL NA RELASYON.
April 6,2012
7:22pm
Ang pagiging legal ninyong mag partner (boyfriend & girlfriend) ay isa sa pinaka masarap na feeling sa mundo.
Let me explain why by giving situational examples:
situation no.1:
Officer ka ng isang club sa school at wala pa ang papa/mama mo para sunduin ka at hindi ka marunong mag commute. Andyan siya para bantayan ka. Hindi masyadong mag aalala ang parents mo kasi nasa mabuti kang mga kamay.
situation no.2:
May mabigat kang problema at alam mong kahit anong explain o pakikiramay ng friends mo, sa kanya ka lang mapapanatag.
situation no.3:
May family dinner kayo, pag kilala siya ng parents mo, welcome siyang sumama.
situation no.4:
Bakasyon na. Wala ng pasok. Hindi na kayo magkikita araw araw pero bibisitahin ka niya para lang makita ka.
situation no.5:
Pag may away or tampuhan kayo,pwede ka niyang puntahan sa bahay para mag sorry.
situation no.6:
Pag may problema kayo, makakatulong na ang parents mo dahil pwede ka ng mag share sa kanila. Wala ka ng kailangang itago.
situation no.7:
Malayang malaya kayong makakapag date or gimik with your parents permission. Kahit na may curfew or may specific na time ang pag uwi, at least hindi niyo kailangang mag sinungaling at tumakas para lang magkita kayo.
etc.
Maraming examples ang pwedeng magbigay liwanag na ang pagiging legal ng magkarelasyon ay masaya.
Ewan ko ba kung anong problema ng kabataan ngayon pero ang hilig nila sa ilegal na relasyon.
Ang sakin lang,
oo nga't bawal pa para sa ating edad
ang maagang pakikipagrelasyon
dala ng mapanuksong lipunan,
pero kung mulat naman ang iyong mga mata sa
katotohanan,
at may takot kayo sa Diyos,
alam mo ang inyong limitasyon.
Hindi kailangang mag-alala ng iyong mga magulang
dahil nasa tama kayong pag iisip.
Respetuhin niyo ang bawat isa.
Ang dapat lang,
ipakilala mo ng maayos at matiwasay ang partner mo.
Ipakausap mo sa mga magulang mo ang partner mo.
Hayaan mong maging close niya ang mama at papa mo.
Mas gusto rin ng mga magulang na nakikilala
nilang mabuti ang taong
pagkakatiwalaan nila para sa kanilang anak.
Hindi mo kailangan magkaroon ng maraming karelasyon bago
mo mahanap ang taong mamahalin mo pang habang buhay.
Ang kailangan mo lang,
ipagdasal ang kanyang pagdating.
At gawing kaaya-aya ang iyong sarili sa paningin ng Diyos.
Darating siya ng hindi natin inaasahan.
Malay mo, ka-tropa mo pala siya o yung inaaway mong kapitbahay o
'di kaya 'yung schoolmate mo.
Expect the unexpected, ika nga nila.
Ang masasabi ko lang, basta pag dumating siya sa'yo,
magkakaron ng kulay ang buhay mo.
Hindi man literal, pero mararamdaman mo rin ito.
Sino nga bang aayaw sa ganyang relasyon?
Ang malaya, walang sikreto sa magulang, at higit sa lahat, walang dapat itago.
:)
7:22pm
Ang pagiging legal ninyong mag partner (boyfriend & girlfriend) ay isa sa pinaka masarap na feeling sa mundo.
Let me explain why by giving situational examples:
situation no.1:
Officer ka ng isang club sa school at wala pa ang papa/mama mo para sunduin ka at hindi ka marunong mag commute. Andyan siya para bantayan ka. Hindi masyadong mag aalala ang parents mo kasi nasa mabuti kang mga kamay.
situation no.2:
May mabigat kang problema at alam mong kahit anong explain o pakikiramay ng friends mo, sa kanya ka lang mapapanatag.
situation no.3:
May family dinner kayo, pag kilala siya ng parents mo, welcome siyang sumama.
situation no.4:
Bakasyon na. Wala ng pasok. Hindi na kayo magkikita araw araw pero bibisitahin ka niya para lang makita ka.
situation no.5:
Pag may away or tampuhan kayo,pwede ka niyang puntahan sa bahay para mag sorry.
situation no.6:
Pag may problema kayo, makakatulong na ang parents mo dahil pwede ka ng mag share sa kanila. Wala ka ng kailangang itago.
situation no.7:
Malayang malaya kayong makakapag date or gimik with your parents permission. Kahit na may curfew or may specific na time ang pag uwi, at least hindi niyo kailangang mag sinungaling at tumakas para lang magkita kayo.
etc.
Maraming examples ang pwedeng magbigay liwanag na ang pagiging legal ng magkarelasyon ay masaya.
Ewan ko ba kung anong problema ng kabataan ngayon pero ang hilig nila sa ilegal na relasyon.
Ang sakin lang,
oo nga't bawal pa para sa ating edad
ang maagang pakikipagrelasyon
dala ng mapanuksong lipunan,
pero kung mulat naman ang iyong mga mata sa
katotohanan,
at may takot kayo sa Diyos,
alam mo ang inyong limitasyon.
Hindi kailangang mag-alala ng iyong mga magulang
dahil nasa tama kayong pag iisip.
Respetuhin niyo ang bawat isa.
Ang dapat lang,
ipakilala mo ng maayos at matiwasay ang partner mo.
Ipakausap mo sa mga magulang mo ang partner mo.
Hayaan mong maging close niya ang mama at papa mo.
Mas gusto rin ng mga magulang na nakikilala
nilang mabuti ang taong
pagkakatiwalaan nila para sa kanilang anak.
Hindi mo kailangan magkaroon ng maraming karelasyon bago
mo mahanap ang taong mamahalin mo pang habang buhay.
Ang kailangan mo lang,
ipagdasal ang kanyang pagdating.
At gawing kaaya-aya ang iyong sarili sa paningin ng Diyos.
Darating siya ng hindi natin inaasahan.
Malay mo, ka-tropa mo pala siya o yung inaaway mong kapitbahay o
'di kaya 'yung schoolmate mo.
Expect the unexpected, ika nga nila.
Ang masasabi ko lang, basta pag dumating siya sa'yo,
magkakaron ng kulay ang buhay mo.
Hindi man literal, pero mararamdaman mo rin ito.
Sino nga bang aayaw sa ganyang relasyon?
Ang malaya, walang sikreto sa magulang, at higit sa lahat, walang dapat itago.
:)
Jan 20, 2012
Kahit ba ikaw na ang tama, ikaw pa rin ang dapat mag-sorry?
Jan.20,2012
Parang mali naman ata yun. Hindi porket na mabait siya, eh aabusuhin mo na lang. Hindi pwedeng habangbuhay kang martir. Ikaw rin ang masasaktan nang paulit-ulit. Dapat iniintindi mo rin kung ano ang nararamdaman niya.
Kung ikaw na yung mali, dapat ikaw na ang magbaba ng pride mo dahil kung lalabanan mo lang at ipapagtatanggol ang sarili mo na kaya mo nagawa ang isang bagay dahil galit siya. Isipin mo kung bakit siya nagalit at isipin mo rin kung ikaw ang nasa kalagayan niya, ano ang mararamdaman mo.
Hindi pwedeng laging ganito.
Kung galit siya, ikaw na ang lumapit at magpakumbaba.
Hindi ka rin naman matitiis nun e. Inaantay ka lang niya na mag-sorry ka. Baliktarin mo man ang mundo, kahit may nagawa kang mali, basta mahal ka nang tao, hindi naging mahirap magpatawad. Maliban na lang kung paulit-ulit mo na ‘tong ginawa pero hindi ka naman nagbabago.
Mahirap na magsisi sa huli. Baka mawala pa siya. Kaya kung ako sa’yo, mag-sorry ka.
Labels:
depressed,
emotional love,
love,
serious mode,
teenage relationship
Dec 28, 2011
Hanggang dito na lang ba?
December 28,2011
--------------------------
"Sorry din for what happened Mae. Nabigla lang ako. I wish you all the best. Good luck sa lovelife mo." Reply ni Rain.
"Single ako and not ready to mingle. Haha. Bye Rain!" Reply ko sa text niya.
Chapter 2: Langit at lupa
Hindi ko alam kung bakit napakasaya ko sa tuwing kasama ko si John. Siguro nga, hindi lang bilang kapatid ‘tong nararamdaman ko para sa kanya.
Hindi ako sigurado pero parang nahuhulog na ako sa kanya…
Hindi ako sigurado pero parang nahuhulog na ako sa kanya…
Natatakot ako. Alam ko, may iba siyang gusto. May girlfriend na ata siya. Hindi nararapat ‘tong nararamdaman ko ….
Narating na namin ang school. English ang first class ko samantalang History naman ang klase niya. We parted our ways. Sabi ni John, “Kita tayo maya sa canteen.”
“Ayoko nga, unless na libre mo.” Pabiro kong sinabi sa kanya.
“Sure, treat ko. Basta ikaw,Mae. Sana ….” Sabi ni John.
“Sana ano? Sana hindi ako matakaw?” Sabi ko.
“Hindi. Sana ‘wag ka lang magbago… Sige, late na ako. Bye, Mae.”
Nanibago ako bigla. Lahat ng sinasabi ko, hindi na siya nagagalit or wala ng violent reaction. Ang sweet niya sa akin. Hindi ko maintindihan. Ewan. Basta. Naguguluhan ako ngayon pero ayoko muna isipin.
I entered the room then I felt different. Lahat sila, nakatingin sa akin.
“Oh my gosh.” Sabi ko. Nakatingin talaga silang lahat sa akin. Natatakot ako.
Biglang lumapit sa akin si Claire at Patrice, best friends ko.
“Mae! Nabalitaan mo na ba?!” Sabi ni Patrice.
“Ang alin?” Tanong ko.
“Si John … “
“Oh anong meron?”
“Baka makick-out siya!”
“Huh?! Bakit?!” Nataranta ako bigla. Anong nangyari? Ano ?!
“Nalaman ng school na kasama siya sa isang frat. Pero hindi pa sigurado. Lumayo ka na sa kanya. Baka madamay ka pa..”
Nanlumo ako. Hindi nasabi sa akin ni John ‘to. Nagulat ako. Kaya siguro ganun siya kanina. Hindi ko alam ang gagawin ko. Gusto kong puntahan si John. Pero pinigilan ako ni Kim at Patrice.
“Hindi ba niya sinabi sa’yo?” Tanong ni Nicole.
“Hindi. Wala siyang sinabi sa akin. Wala siyang nabanggit. Sigurado ba kayo dyan?” Tanong ko sa kanila.
Nag-tinginan sila, sabi ni Alexandria “Narinig namin mismo sa teachers ‘yun. Kaya sigurado kami, Mae.”
“Baka ayaw niyang ipaalam sa’yo kasi alam niyang wala ka namang magagawa.” Sabi ng kaibigan naming si Jas.
“Hindi ka naman kasi niya girlfriend kaya malabong balitaan ka nun lagi sa mga nangyayari sa buhay niya.” Sabi naman ni Migs.
Napatulala ako nung sinabi nila sa akin ‘yun. Bakit, sino nga naman ba ako para balitaan niya araw-araw tungkol sa buhay niya? Ano niya ba ako? Kaanu-ano ko ba siya? Hindi ba kaibigan lang naman?
Wala akong karapatan. Wala.
Wala akong karapatan. Wala.
“Okay ka lang ba,Mae?” Tanong nilang lahat.
“Nagulat lang siguro si Mae kaya hayaan muna natin.” Sabi ni Myka.
Hindi ako nakapag-salita. Tulala ako sa buong klase. Lunch na pero wala pa rin akong naiintindihan. Walang nag-sink in na lesson sa utak ko. I’m still shocked.
“Mae, okay ka lang ba?” Tanong ni Patrice.
“Kung nangyari kaya sa’yo ‘yan, magiging okay ka ba agad? ‘Yung pinagkakatiwalaan mong tao, may lihim pala sa’yo. Sakit kaya nun. Duh. ”Sabi ni Alexandria.
“Nagtanong lang naman ako e.” Sabi ni Patrice.
“Okay lang ako, guys. Salamat sa inyo.” Sabi ko sa kanila.
Napaluha ako bigla pero pinigilan ko din dahil alam kong magagalit ang mga kaibigan ko. Tumayo ako mula sa kinauupuan ko. Sabi ko pupunta lang ako sa comfort room. Kasama ko si Myks.
Napadaan kami sa classroom nina John. Nakita ko siya. Nasaktan ako lalo nung makita kong yakap siya ni Denise. Patakbong lumabas ng classroom si Denise, umiiyak siya. Nabunggo niya kami, pagtingin niya sa akin, sabi niya “Lahat na lang napupunta sa’yo… Hindi ba pwedeng ‘wag kang mang-agaw ng kasiyahan ko?”
Nagulat ako. May galit pala sa akin si Denise. Pero hindi ko siya maintindihan kung bakit niya ako tinawag na mang-aagaw. Weird.
“Denise, hindi kita maintin…”
“Denise, hindi kita maintin…”
Dumating bigla ‘yung principal. Nagulat ako. Kasama niya si John at iba pa nitong mga kaibigan.
Totoo nga ‘yung nabalitaan ko. Hindi lumingon sa akin si John. Seryoso ‘yung muka niya. Nagulat ako. Ano kayang mangyayari sa kanila? Gusto kong makausap si John. Gusto kong itanong kung okay lang siya. Kung kaya niya pa ba. Nag-aalala ako pero wala lang naman ako para sa kanya…
--------------------------
Last day ko na siguro sa school ‘to ngayon. Alam na siguro ni Mae kung bakit. Naiiyak ako.
Hindi ko kayang mawala sa school. Marami pa akong pangarap. Ayoko rin iwan si Mae.
Siguro galit siya sa akin dahil hindi ko nasabi sa kanya. Hindi ko naman alam na magiging ganito ‘yung sitwasyon ko. Galit din sa akin si Denise dahil sinabi ko sa kanya na si Mae ‘yung gusto ko. Niyakap ko si Denise dahil naawa ako sa kanya nung umiyak siya.
“Kelangan bang nasa kanya na lahat? Lahat na lang nawawala sa akin dahil sa kanya. Pati ba naman ikaw, siya ang gusto mo? Ano bang meron kay Mae?! Tell me, John! Sawang sawa na ako! Lagi na lang si Mae!”Sabi ni Denise sa akin.
“Simple siyang tao. Kahit na nasa kanya lahat, hindi lumalaki ang ulo niya, Kung makikilala mo lang sana si Mae, maiintindihan mo kung bakit. Masaya ako pag kasama ko siya. Mahal ko siya.“
“Kapatid lang ang turing niya sa’yo! Hindi ka mahal ni Mae. Wala siyang panahon para sa mga kagaya mo. Hindi kayo bagay John. Magkaiba kayo ni Mae. Kilalang tao ang mga magulang niya. Malabong magustuhan ka nila. Malayong malayo ang estado ng buhay mo kay Mae. Hindi ka para sa kanya John. Masasaktan ka lang sa piling niya…” Sagot ni Denise.
Oo nga naman. Ano nga naman ba ako para sa buhay ni Mae? Isang hamak na kaibigan lang ako ni Mae. Siguro nga, kapatid lang ang turing niya sa akin. Tama si Denise sa sinabi niyang malayo ang agwat ng buhay ko kay Mae. Nagmula sa kilalang angkan si Mae, samantalang ako, ordinaryong tao lang. Hindi nga ako bagay sa kanya. Hindi siya makakatagal sa buhay na meron ako. Nasanay siya sa buhay na marangya. Ako naman, sa buhay na isang kahig isang tuka. Napaluha ako sa sinabi ni Denise.
“Pag-isipan mong mabuti ‘to John. Alam kong naguguluhan ka lang. Hihintayin kita…” Sabi ni Denise.
Tumakbo si Denise palabas sa room. Hahabulin ko sana siya kaso andun ‘yung principal. Pinapatawag na kami sa office niya. Hinanap ko si Denise. Pagtingin ko sa hallway, nakita kong kausap ni Denise si Mae.
Umiwas ako ng tingin kay Mae dahil alam kong galit siya sa akin.
Nakasalubong naming sila. Diretso lang ang tingin ko. Hindi pa ako handang kausapin si Mae. Alam ko rin naman na kaibigan lang ang turing niya sa akin kaya hindi siya mag-aalala masyado. Masakit man isipin pero magkaibigan lang talaga kami ni Mae.
Pagpunta namin sa office… tinanong kami kung bakit kami kasali. Wala akong naisagot kundi dahil ayokong sabihin ng iba na duwag ako.
Naintindihan nila kami. Suspended lang kami. Akala ko kick-out na kami. Buti na lang. Pero may isa pa akong problema, hindi ko pa nakakausap si Mae.
Kailangan ko nang pumunta sa canteen para kausapin si Mae.
Pagpunta ko dun, akala ko wala na siya. Nilapitan ko siya, umiiyak si Mae. Niyakap ko siya. Nag-sorry ako sa kanya. Nagulat ako nung sinabi niyang…
“Ano ba ako para sa’yo John? Kaibigan lang ba? Sabihin mo naman para hindi na ako mag-mukang tanga. Bakit hindi mo sinabi sa akin John, sana natulungan kita. Sana nadamayan kita. Sana hindi ka nag-isang lumaban. John, sabihin mo sa akin, kaibigan lang ba talaga ang turing mo sa akin? Kasi kung oo, pipilitin ko ang sarili kong kalimutan na mahal kita. Ako mismo ang lalayo para hindi masaktan si Denise. Ayoko magmukang tanga John. Sumagot ka. Mahal mo ba ako?”
“Hindi tayo pwede, Mae. Sorry… “
Sinampal ako ni Mae. Tumakbo siya ng umiiyak. Tama nga siguro si Denise. Hindi kami bagay ni Mae. Langit siya, lupa ako. Malayo ang agwat namin. Ang sakit man isipin na dito na lang matatapos lahat. Kailangan ko nang kalimutan si Mae. ‘Yung pinagsamahan namin, kailangan ko na rin kalimutan.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Ang sakit nung narinig ko ‘yung mga sinabi ni John. Hindi ko kaya. Hanggang dito na lang talaga kami ni John. Ang hirap. Hindi ko alam kung saan pa ako mapapadpad. Kanina pa ako tumatakbo. Hindi ko na alam kung saan ako pupunta…
Maya maya, umulan na bigla. Parang sumabay ang langit sa pag-iyak ko. Gabi na pero hindi pa rin ako umuuwi. Ayoko pang umuwi. Tumakbo ako ulit nang tumakbo.
Napahinto ako bigla ng nakita ko si papa na may kasamang babae sa bar. Gumuho ang mundo ko. Akala ko nasa work lang sila palagi. ‘Yun pala, iba ang business ni papa. Ayoko na maniwala sa mga lalaki. Hindi ko alam. Galit ako. Galit ako sa kanila. Mga manloloko sila.
Nag-desisyon na akong umuwi. Basang basa ako ng ulan. Hindi pa ako kumakain simula nung lunch. Wala akong gana. Pagdating ko sa bahay, wala pa rin sina mama. Pumasok ako sa kwarto ko at dun ako umiyak. I texted my friends and told them na I’ll go out of town. Nag-text din ako kay mama. Pupunta akong Baguio tonight. Pupunta ako sa rest house namin for a week. Nagpaalam na si mama sa school head at pumayag naman sila.
Nag-impake na ako at umalis kasama si yaya. Habang on the way kami sa Baguio, sabi ni manong driver, “Mae, pinapabigay nga pala ng kaibigan mo…”
“Ano yan, kuya?”
“Buksan mo na lang daw. Sabi niya.”
I opened the box and saw a letter. Kasama nung letter na ‘yun ay mga pictures naming dalawa ni John. Binasa ko ang letter habang nasa kotse kami. Sabi ni John,
“Mae,
hindi ko alam kung mapapatawad mo ako pero gusto ko lang sanang malaman mo na kaninang tumakbo ka,
gusto kitang habulin pero alam kong kung hahabulin man kita, mauulit at mauulit muli lahat.
Ayokong saktan ka, Mae. Alam kong hindi ka magiging Masaya sa piling ko.
Ingatan mo lagi ang sarili mo. Tandaan mo, kahit anong mangyari sa akin, mahal na mahal kita.
Kung ano mang mangyari kahit wala na ako sa tabi mo, sana alam mong babantayan pa rin kita.
Sorry and I love you, Mae…”
Umiyak ako lalo sa nabasa ko. Naiinis ako kay John. Masaya ba siyang nasaktan niya ako? Or there’s something more?
Chapter 3: Revelation
“Gising na, Mae. Nandito na tayo.”
We arrived at Baguio. For a week, makakalimot din ako. I sighed and said, “Kaya mo ‘to, Mae!”
I visited my friends at Baguio. I went to different parties and tried not to think about John pero every night na matutulog ako, naaalala ko siya. Iyak lang ako ng iyak.
Minsan, dinadaan ko na lang sa pag-inom ng red wine ang nararamdaman ko. Pero, wala talaga e. Mahal ko si John.
I decided to go out, hindi pa naman masyadong gabi. I went out to Mines View Park. There was a children’s party. Birthday party ata. Natamaan ako ng bola, “Ate sorry po.“ sabi nung mga bata. Pinulot ng isang lalaki ‘yung bola.
Minsan, dinadaan ko na lang sa pag-inom ng red wine ang nararamdaman ko. Pero, wala talaga e. Mahal ko si John.
I decided to go out, hindi pa naman masyadong gabi. I went out to Mines View Park. There was a children’s party. Birthday party ata. Natamaan ako ng bola, “Ate sorry po.“ sabi nung mga bata. Pinulot ng isang lalaki ‘yung bola.
“Nasaktan ka ba miss?”
....
“Kuya?”
Nagulat ako. He looked like my older brother. As in look alike talaga.
“I’m sorry. You just looked like my brother.”
“Ayos lang miss. I’m Rain. Nice to meet you.“
“I’m Mae.” Sabi ko.
“Do you have some time? I’m bored na kasi dito sa party. Can you join me?”
“Yes, I’m willing to join you.”
Nagpunta kami sa Starbucks. Nagkwentuhan kami. Pareho pala kami ng story ni Rain. Broken hearted pero may girlfriend naman siya. Too bad, wala na daw time sa kanya 'yung girlfriend niya. He lives in Manila at may kapatid din siyang lalaki. Sabi niya he’ll keep me in touch. Good friends na kami ni Rain.
Bago kami maghiwalay, sabi niya "You're like an angel."
"Huh?"
"Pwede ba tayong lumabas ulit bukas?"
"Yeah. Sure. Wala naman akong gagawin bukas." Sabi ko.
Naging masaya ako kahit papano. Ang sayang kasama ni Rain. Pero may napansin ako...
"Rain, why are you crying?"
"Mae, she left me alone. We broke up."
Naawa ako bigla kay Rain. Nakita ko siyang umiyak. Nadurog ako inside. Hindi ko alam na pwede rin pala na umiyak ang mga kagaya niya pag nasaktan. Naisip ko na naman si John. Naiyak rin ako. I hugged Rain. & he said, "Can we keep this moment forever?"
"What?"
"I felt different pag kasama kita Mae. Can we be more than friends?" Sabi ni Rain.
Naluha ako, then sinabi kong "I love someone else."
I walked out of the scene. Umuwi na ako. Iniwan ko si Rain dun. Bahala na. Hinahanap na rin kasi ako ni yaya.
"Saan ka ba pumuntang bata ka? Nag-aalala ako sa'yo."
"Sorry yaya. I just went out with a friend."
"Friend nga ba?"
Hindi ako nakapagsalita sa sinabi ni yaya.. Pero alam ko, hanggang friends lang kami ni Rain. I was happy with him the whole time pero iba pa rin pag kasama ko si John.
"Huh?"
"Pwede ba tayong lumabas ulit bukas?"
"Yeah. Sure. Wala naman akong gagawin bukas." Sabi ko.
Naging masaya ako kahit papano. Ang sayang kasama ni Rain. Pero may napansin ako...
"Rain, why are you crying?"
"Mae, she left me alone. We broke up."
Naawa ako bigla kay Rain. Nakita ko siyang umiyak. Nadurog ako inside. Hindi ko alam na pwede rin pala na umiyak ang mga kagaya niya pag nasaktan. Naisip ko na naman si John. Naiyak rin ako. I hugged Rain. & he said, "Can we keep this moment forever?"
"What?"
"I felt different pag kasama kita Mae. Can we be more than friends?" Sabi ni Rain.
Naluha ako, then sinabi kong "I love someone else."
I walked out of the scene. Umuwi na ako. Iniwan ko si Rain dun. Bahala na. Hinahanap na rin kasi ako ni yaya.
"Saan ka ba pumuntang bata ka? Nag-aalala ako sa'yo."
"Sorry yaya. I just went out with a friend."
"Friend nga ba?"
Hindi ako nakapagsalita sa sinabi ni yaya.. Pero alam ko, hanggang friends lang kami ni Rain. I was happy with him the whole time pero iba pa rin pag kasama ko si John.
Too bad na uuwi na ako sa Manila. Tapos na ang one week. Hindi pa ako handang harapin si John pero kaya ko ‘to. I texted Rain and said, "I'm sorry for leaving you last night. Let's see each other again in Manila.God bless."
"Sorry din for what happened Mae. Nabigla lang ako. I wish you all the best. Good luck sa lovelife mo." Reply ni Rain.
"Single ako and not ready to mingle. Haha. Bye Rain!" Reply ko sa text niya.
Pagkapasok ko pa lang, I saw John. Together with Denise.
“Ouch.”
‘Yun na lang ‘yung nasabi ko. I smiled at them tapos lumakad na ako papalayo sa kanila. Lumapit sa akin ang ever good friends ko. Nagkulitan kami. Kwentuhan to da max.
“Good thing na bumalik na si Mae.” Sabi ni Claire habang inaayos ang buhok ko. “Oo nga! Akala ko nga emo na siya forever e.” Sabi naman ni Alexandria.
“Madaming lalaki sa mundo. Don’t be doomed.” Sabi ni Migs.
“Nabalitaan mo na bang si Denise at John na?” Tanong ni Myks.
“Nakita ko sila kanina. Don’t mention me that name na. I wanna move on guys. Let them be happy.” Sabi ko sa kanila.
“Uy, may halong bitterness!” sabi ni Nicole sabay tawa.
Nakasalubong ko si Denise then she said, “Pwede ka bang kausapin, Mae?”
“GOSH.” Hindi ko alam kung papayag ba ako or hindi. Pero sige, dahil kakabalik ko lang naman, pagbibigyan ko ‘to.
Umupo kami sa may cafeteria.
“Sorry sa nagawa ko,Mae.”
“Huh? Sorry saan?”
“Ako kasi ang nagsabi kay John na hindi pwede maging kayo… Kasi magkaiba kayo ng estado ng buhay. Langit ka, lupa siya. Hindi siya ‘yung lalaking nababagay sa mayamang kagaya mo. Alam ko, dahil sa mga nasabi ko, naguluhan si John. At everytime na magkasama kami, ikaw lang ang naaalala niya. Hanggang ngayon, picture mo pa rin ang wallpaper niya. Hanggang ngayon, ikaw pa rin ang sinisigaw ng puso niya. Ayoko nang mabuhay sa ganito, Mae. Kausapin mo si John. Alam kong mahal niyo ang isa’t isa. Ayoko nang pumagitna sa inyo. Hindi din kasi ako Masaya.”
“Uhh… Denise… Pero Masaya kayo kanina..”
“Yeah. Sabi niya kasi, ngumiti daw ako para daw hindi mo mahalatang malungkot siya. I’m gonna tell you, Mae… He loves you more than anyone. Sana maging Masaya kayo. Ako na rin ang lalayo Mae. I want the both of you be happy.”
“San ka pupunta, Denise?” Tanong ko sa kanya..
“States. I’ll stay there for good. Sana maging Masaya kayo… Sorry sa lahat Mae.”
She hugged me tight while crying. Tears fell from my eyes. I said, “Thank you for telling me this, Denise. Thank you…”
“I owe you a lot, Mae. Hindi pa sapat yan para sa nagawa ko sa’yo… Flight ko na mamaya. Bye. Ingatan mo si John para sa akin. Dahil kung hindi, babalik ako para agawin siya ulit.”
“Denise…”
“Joke lang. Sige na. Inaantay ka na ni John. Sorry, Mae. Hope you’ll forgive me. Keep in touch!”
Umalis na si Denise. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib. I never thought na ganun pala ‘yung nangyari..
I saw John outside the school premises… I hugged him from behind and told him, “ I love you…”
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Nagbakasyon si Mae sa Baguio. Namiss ko siya. Pero kinailangan ko rin mag-isip. Kahit papano, naging Masaya ako kay Denise pero hindi ko pa rin siya mahal. Alam ni Denise kung bakit ako hindi Masaya. Sabi niya, “I will talk to Mae once na bumalik na siya dito. I don’t wanna live in lies. We can’t live with it John. Hindi ko din kayang Makita na nasa piling nga kita pero ang lagi mong iniisip na sana siya ang kasama mo… It’s alright John. Ayokong masaktan din kita.”
“Thanks Denise.”
Dumating na si Mae. Sabi ko kay Denise, ngumiti siya para hindi mahalata ni Mae na malungkot ako. Ngumiti sa amin si Mae, I know na kunwari lang ‘yun. Ramdam ko sa mga mata niya.
Hindi nagtagal, nagusap na sila ni Denise. Nagpaliwanag si Denise kay Mae.
Pagtapos nun sabi ni Denise sa akin, “Okay na lahat John. Ingatan mo si Mae. Aagawin kita ulit sa kanya once na saktan ka niya.“
“Loko ka talaga Denise.”
“Haha. Just joking John. Bye. Salamat sa maikling panahon na pinagsamahan natin. Sorry na rin sa nangyari sa inyo. Keep in touch.” Nagpaalam na si Denise. Nagpasalamat ako sa kanya. She cried then walked away…
Niyakap ako ni Mae at sabi niya “I love you.”
“I love you too, Mae.”
“John, can we start all over again?”
“Of course, Mae. I love you. Sorry kung nasaktan kita.”
“Everything’s fine, John. I now know the whole story. Hindi mo kasalanan ‘yun John. It’s alright. Ang mahalaga, mahal natin ang isa’t isa. You don’t need to worry na. You’re a good guy. Eversince, ikaw ang nag alaga sa akin pag wala sina mama. Approve sila sa’yo. Kaya ‘wag ka nang mag emote dyan. Okay?”
“You sure? Can you forgive me, Mae?”
“I forgive you, John.”
“Salamat Mae. I love you.”
“I love you more, John.”
I hugged her tight tapos biglang may tumawag sa kanya galing sa likod namin.
"Mae?"
"Kuya?"
"Rain, I thought nasa Baguio ka pa?" Sabi ni Mae.
"Magkakilala kayo ng kapatid ko?" Tanong ko kay Mae.
"I met him last week at Baguio, John ."
"Siya 'yung kinukwento ko sa'yo, bro. I fell in love with her at first sight."
Tumingin sa akin si Mae, at sinabing,
"You're the one I love, John. Don't worry."
"You're the one I love, John. Don't worry."
"Pero mukang happy na kayo so I'm steppin' outta here." Sabi ni kuya
"Dapat lang. She's mine. She's my girl." Sabi ko.
"I love you Mae!"
"I love you too, John!"
END.
---> 'yung name ng characters dito, puro friends ko :) somehow, medyo totoo 'yung story nito. Lalo na 'yung part na nasa school ^_____^ salamat sa pagbabasa!!!
Hanggang dito na lang ba?
Dec. 28,2011
Chapter 1: Tadhana
Ako si Mae Jang.
Nag-iisa akong anak ni mama at papa. Sabi ng iba, lumaki daw ako sa layaw kasi lahat ng gusto ko nakukuha ko. Lumaki ako kasama ang mga yaya ko. Minsan ko lang makasama sina mama dahil busy sila.
16 na ako ngayon. Lumaki ako kasama lang ang mga gadgets na nagsisilbing libangan ko.
Nakilala ko ang kaibigan ko na si John kung saan ako nag-aaral. Masaya siyang kasama. Tinuring ko siyang kapatid.
Masaya ang pamilya nila. Minsan, hindi ko maiwasang mainggit sa kanila. Ideal family kasi sila. Kumpleto lagi at nagkakaron ng bonding.
Isang araw, may Saturday class kami sa school. Sinundo ako ni John sa bahay. As usual, pag gising ko, wala na sila mama at papa dahil nasa office na agad. Ayun, nag ayos na ako. Medyo nagmadali ako dahil ayoko maghintay ng matagal si John. Nakakahiya naman.
Pagkatapos ko, bumaba na ako sa sala at nakita kong magkausap si yaya at John.
“Anong pinaguusapan niyo yaya?” Tanong ko.
Tumingin sila sa akin at sabi ni John, “Ang tagal mo naman! Late na tayo niyan.“
“Mag ingat kayong dalawa sa daan.” Sabi ni yaya.
So, nagpaalam na ako kay yaya.
Habang papunta kami sa school, sabi ni John siya na raw magbubuhat ng bag ko, he was so gentleman.
Hindi ko maiwasang tumingin sa mata niya. Ngayon ko lang napansin, ang ganda ng mata ni John.
Nahuli niya akong nakatingin sa kanya, sabi niya “May dumi ba sa muka ko?”
Sabi ko naman, “Wala. Napatingin lang ako. Ang cute pala ng mata mo.”
Sabi niya, “Minana ko daw ‘tong mata ko kay papa.”
“Siguro ang gwapo ng papa mo noon.”
“Chickboy nga daw siya noon e.” Sabi ni John
“HAHAHA. Malamang hindi mo siya kamuka.”
“Bakit naman?” Tanong ni John.
“Ang panget mo e.” Biro ko kay John.
Kinurot niya ako, tapos nilapit niya ‘yung muka niya sa muka ko..
"Ang cute cute mo Mae.Buti na lang nakilala kita. Dahil sa'yo, masaya ako lagi." Sabi ni John.
Nagulat ako nung sinabi ‘to ni John. Namula ako. Hindi ko alam kung siya ba talaga ‘to o kung panaginip lang.
“Masaya rin ako pag kasama kita,John.”
TAMA BA ITO!? Nagulat ako nung nasabi ko ‘yun. Lumayo siya sa muka ko then hinawakan niya ‘yung kamay ko habang naglalakad kami.
“I’ll be your guide wherever you go.” Sabi ni John.
Nananaginip ba ako? O totoo talagang sinabi niya ‘yun?
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Ako si John Chui.
Masayahin akong tao. Sabi nila, makulit ako. May pagka-magulo pero mabait. Kumpleto ang pamilya namin. Pero si papa, laging wala. Nasa bar kasi lagi. Manginginom, sugarol tsaka basagulero.
Magulo rin ang pamilya ko pero maswerte ako dahil kumpleto kami. Kahit ganon si papa, mahal ko siya.
Naawa ako kay Mae kasi mag-isa lang siya lagi. Inalagaan ko siya na parang kapatid. Bestfriend ang turing ko sa kanya. Sa kanya ko kasi nasasabi lahat ng problema ko.
Masaya ako pag-kasama ko siya. Parang may connection sa amin na hindi ko maipaliwanag. Basta, nung nakilala ko siya, naging Masaya ako.
Isang araw, sinundo ko siya sa kanila. Naawa ako kasi pagdating ko dun, wala na parents niya, kagigising niya lang din. Hinintay ko siya sa sala. Ang laki ng bahay nila. Pagtingin ko sa isang sulok, may nakita akong family picture nila. 4 sila. Si Mae, parents niya kasama ang isang lalaki. Bata pa sa picture si Mae. Ang cute nilang tignan.
“Namatay siya sa birthday party ni Mae. Nasunog yung bahay nila sa Ilocos. Sabi nila si Mae daw nagsindi nung lighter para sa kandila. Tapos aksidenteng napunta sa sahig. Alam mo naman sa probinsya, puro kahoy ang bahay. Ayun, mabilis daw na kumalat yung apoy. Umiiyak noon si Mae sa cabinet. Nasa labas na lahat ng tao nun, siya na lang ang nawawala. Pumasok siya sa bahay ulit para makuha si Mae. Nakuha ng mga firemen si Mae pero naiwan siya sa loob.” Sabi ng yaya ni Mae.
“Ano pong pangalan niya?” Tanong ko naman..
“Kenneth.” Sabi naman ni yaya.
"Naalala ko nung nangyari 'to. Malapit lang sa bayan namin 'yung bahay nila. Hindi ko akalain na siya na pala 'yun. Nakakaawa si Mae."
"Hindi na naaalala ni Mae lahat. Bata pa siya noon. May trauma siya sa apoy kaya mas mabuting 'wag mo na lang siya tanungin tungkol dito. " payo ni yaya.
Bumaba na si Mae. Lumapit siya sa amin tapos nagpaalam na siya kay yaya.
Habang naglalakad kami, binuhat ko ‘yung bag niya. Gusto ko siyang tulungan.
Nahuli ko siyang nakatingin sa akin. Ang kulit ni Mae. Ang panget ko daw.
Hindi ako napipikon sa tuwing nag-aasaran kami. Magaan ang loob ko sa kanya.
Hindi ko namalayan, malapit na pala yung muka ko sa kanya. Bigla kong nasabing “Ang cute cute mo Mae. Buti na lang nakilala kita. Dahil sa’yo, Masaya ako lagi.”
Nagulat ako nung sinabi niya ‘yung “Masaya rin ako pag kasama kita,John.”
Natuwa ako nung sinabi niya 'yun, namula siya. Lumayo ako sa muka niya tapos hinawakan ko 'yung kamay niya, sabi ko "I'll be your guide wherever you go.."
>>>>>to be continued<<<<<<<<<
Nov 17, 2011
Bawal kasi e.
November 17,2011
8pm
"Wag mo sila lapitan."
"Wag ka magpapahawak sa iba."
"Wag mo sila kausapin."
Ba't kaya ang daming bawal sa isang relasyon?
nakakamatay kasi ang SELOS.
Kaibigan ko din naman kasi sila.
Naiintindihan kita,
Pero sana maintindihan mo din na may mga tao din sa paligid ko.
malapet sila buhay ko,
pero mas malake ang parteng ginagampanan mo.
8pm
"Wag mo sila lapitan."
"Wag ka magpapahawak sa iba."
"Wag mo sila kausapin."
Ba't kaya ang daming bawal sa isang relasyon?
nakakamatay kasi ang SELOS.
Kaibigan ko din naman kasi sila.
Naiintindihan kita,
Pero sana maintindihan mo din na may mga tao din sa paligid ko.
malapet sila buhay ko,
pero mas malake ang parteng ginagampanan mo.
Nov 12, 2011
Action speaks louder than words.
November 10, 2011
'Wag mo sabihin ang SORRY kung 'di mo gagawin 'yung TAMA.
May pakiramdam din kasi 'yung iba.
Isipin mo din kasi baka may nababangga ka na.
'Wag mo sabihin ang SORRY kung 'di mo gagawin 'yung TAMA.
May pakiramdam din kasi 'yung iba.
Isipin mo din kasi baka may nababangga ka na.
Mag-bati na lang kasi.
November 12, 2011
Bakit kaya may mga taong nag-aaway muna bago magkaintindihan?
Hindi ba pwedeng mag-mahalan na lang?
Bakit kaya may mga taong nag-aaway muna bago magkaintindihan?
Hindi ba pwedeng mag-mahalan na lang?
Hindi 'yun pagsubok.
Nov. 12, 2011
Pag nag-away kayo ng taong mahal mo, 'wag mo sabihing challenge lang 'yun.
Dahil sa bawat away na nararanasan niyo..
Natututo kayong labanan ang sarili niyong puso na nagiging dahilan para tumigas ito at mawalan kayo ng pagtingin sa isa't isa.
Kaya hangga't maaga pa, pag usapan na dapat ang problema.
Pag nag-away kayo ng taong mahal mo, 'wag mo sabihing challenge lang 'yun.
Dahil sa bawat away na nararanasan niyo..
Natututo kayong labanan ang sarili niyong puso na nagiging dahilan para tumigas ito at mawalan kayo ng pagtingin sa isa't isa.
Kaya hangga't maaga pa, pag usapan na dapat ang problema.
Nov 5, 2011
Ang makapangyarihang salita ng isang taong nagmamahal.
November 5,2011
Ang buhay nga naman.
Pag lalaki ang may nagagawang mali, hindi nagsasalita ang babae.
Iiyak na lang bigla at mag-aantay ng panahon na mag-bati sila. Maliban na lang kung hot-tempered din siya at magkakasagutan na.
May oras din na kahit hindi kasalanan ng babae, siya pa rin ang magsasabi ng:
“Sorry na, mahal na mahal kita. Hindi kita kayang mawala. Please. ‘Wag ka na magkaganyan.”
Pero pag babae ang may nagawa, grabe ang lalaki kung magsalita.
Akala mo walang pinagsamahan kung makapag-sermon at makapag-sabi ng kung anu-ano:
Iwan mo na ko!
Hindi kita kailangan!
Wag mo na ako pakielamanan!
!@!#@$@. Etc.
Bakit kaya ganun?
Kung sino ‘yung mas nasaktan, siya pa ‘yung walang kalaban-laban pag pagmamahal na ang pinagusapan.
Kung ikaw napunta sa ganitong sitwasyon, paaabutin mo pa bang makasakit ka ng iba bago ka mag-pasensya?
Oct 9, 2011
Mahal kita,Period.
October 9,2011
8:51PM
Ang sarap ng pakiramdam ng may taong nagmamahal sa'yo higit pa sa sarili mo, higit pa sa kahit sinong barkada mo, sa kahit sinong tao sa paligid mo.
At higit sa lahat, 'yung pakiramdam na may taong nagmamahal sa'yo ng buong puso higit pa sa inaakala mo.
'Yung feeling na nararanasan mo 'yung late night sweet conversations, i love you & i love you more arguments, etc.
Sarap sa pakiramdam. Bukod sa nakakakilig, napapasaya ka niya kahit gaano kasakit ang mga nararamdaman mo.
Lalo na pag hawak niya 'yung kamay mo at yakap ka niya, mapapalitan na agad nang ngiti ang iyong mapupulang labi.
Kapag alam mong mahal na mahal ka niya, 'yung tipong buong buhay niya, ibibigay at iaalay niya sa'yo-- pag nakahanap ka ng taong ganito, 'wag mo na pakawalan.
Lalo na kung alam mong hinding hindi ka na makakahanap ulit ng kagaya n'yan.
Oct 3, 2011
MAG-PATAWAD KA, KAPATID.
"Be gentle and ready to forgive; never hold grudges. Remember, the Lord forgave you, so you must forgive others." -Colossians 3:13
Anong naintindihan mo sa Bible verse na ‘yan? Hindi ba ang pagpapatawad sa kapwa?
Eh paano kung mangyari sa’yo o sa inyo ng taong mahal mo na nawalan siya ng atensyon at oras sa’yo?
‘Yung tipong kung kelan mo siya kailangan, wala siya? Kaya mo bang hindi magalit?
Siguro sa iba, magagalit o magtatampo sila.
Pero kung Anak ka ng Diyos, marunong ka magpatawad.
Kaya mong magpatawad ng tao pero hindi ka makakalimot.
That’s reality. Marunong tayo magpatawad sa kapwa pero nagreregister sa utak natin ‘yung sakit nang nagawa nila.
Tanggapin na natin na may mali ka,may mali siya o may mali tayo, pero sa tingin mo, sa tuwing nagagalit ka, hindi lang puso mo ang sumisikip. Pati si Lord, nasasaktan. Alam mo kung bakit?
Dahil anak Niya tayo. Kahit anong mangyari sa atin, pag nasaktan tayo, nasasaktan din siya. Kung hindi natin siya kakausapin pag masama ang loob natin, bumibigat ang pakiramdam natin.
Hindi natin nakakayanan ang mga problema.
Ang sakit sakit sa kalooban pati na rin sa puso.
Kaya kung ako sa’yo, gaano man kahirap, magpatawad ka.
Sep 29, 2011
Ang sakit ng salitang, “MALAYA KA NA.”
September 29,2011
Ano kayang gagawin mo pag nasa moment ka na gusto ka na niyang pakawalan?
Dahil daw ‘di na niya kaya. Give up na siya.
Papayag ka ba?
Payag ka bang makita mo siyang nahihirapan na kahit na mahal ka niya?
Ano kaya ba?
Ang hirap naman kasing makitang nasasaktan ‘yung mahal mo dahil kagagawan mo rin.
Lagi kang nagkakamali at lagi kang walang oras sa kanya.
Sabihin na nating busy ka, pero dapat may time ka pa rin.
You have to prove that you exert effort to show that you love him/her.
Ngayon, pag gusto na niyang sumuko, anong gagawin mo?
Ang hirap mag desisyon agad agad ‘no? Baka pagsisihan mo.
Kung ako sa’yo, ‘wag ka muna mag-sasalita.
Baka magsisi ka sa huli. Mahirap na.
Ikaw din ang talo.
Kaya pag napunta ka sa moment na ‘yan ang sabihin mo na lang,
“God’s will ba ito?”
Dahil si God, hindi pumapayag na nasasaktan ang mga anak Niya.
Kaya ‘wag padalos-dalos. Mahirap na.
Ikaw rin ‘yung mawawalan.
Subscribe to:
Posts (Atom)